Isa pa kinasuhan sa ‘Sumera case’

ISANG GINANG NA kapitbahay ng nasawing radio anchorwoman ang sinampahan ng kasong Grave Threat ng asawa ng biktima dahil umano sa pagbabanta ng una, bunsod ng pinutol na puno, bago maganap ang pamamaslang sa biktima nitong nakalipas na Marso 24.

Base sa complaint-affidavit na isinumite ni Jun Sumera, nasa hustong gulang, asawa ng biktimang si Marlina “Len” Flores-Sumera ng DZME, residente ng Silonian St., Brgy. Maysilo, Malabon City, sinampahan nito ng kasong Grave Threat sa Malabon City Prosecutors office noong April 25, 2011 si Emma Nuqui, nasa hustong gulang, kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Jun Sumera, dahil sa widening road sa kanilang lugar kung kaya’t nagputol ng isang puno na ikinagalit ni Nuqui at nagsalitang “Isang puno, kapalit isang buhay”.

Ilang araw ang makalipas, umaga naglalakad ang biktima papasok sa kanilang istasyon ay bigla na lamang itong tinambangan at binaril hanggang sa mapatay.

Nitong nakalipas na May 2, 2011 ang Preliminary Investigation sa kaso ni Nuqui sa tanggapan ni Atty. Christine Monsalud-Galope, subalit lumutang lamang ito at walang dalang abogado kung kaya’t binigyan ito ng sampung araw para sagutin ang naturang kaso.

Nauna na ring sinampahan ng kasong Murder ang isa sa mga suspek na si Carlos Alejandro sa Malabon City Prosecutors Office sa tanggapan ni Asst. Prosecutor Jimmy Batara.

Sa panayam kay Atty. Galope, tiyak na maipapasa na rin ang kaso ni Nuqui kay Atty. Batara na siyang may hawak ng kasong Murder. “May kaugnayan ang kaso ni Nuqui kay Alejandro kaya, mas maigi na rin sigurong pagsamahin na lamang,” ani pa ni Atty. Galope.

Isang grupo naman ang nagsalita (ayaw magpabanggit ng pangalan) at nagtataka kung bakit Grave Threat lamang umano ng ikinaso ng mga pulis kay Nuqui, sa kabila nang ito umano ang itinuturong utak sa pagpaslang sa biktima, subalit marami ang natatakot na lumantad at tumestigo sa takot umanong sila ang isusunod.

Si Len Sumera ay presidente ng Solinian Neighborhood Association sa kanilang lugar.          (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.