Isa na namang estudyante, nagpakamatay sa Maynila

NATAGPUANG WALANG buhay sa kanyang silid kahapon ng madaling-araw ang isang freshman student ng Lyceum of the Philippines-Manila.

Kinilala ang nasabing biktima na si Darryl Tolentino y Avila, 17-anyos, at kumukuha ng kursong Computer Science sa nasabing paaralan.

Sinabi ni SPO3 Rodelio Lingcum, imbestigador na ala-1:45 kahapon ng madaling-araw nang makita ng tiyuhin ng biktima ang bangkay ni Darryl na may laslas.

Pinaniniwalaang umi-

nom din ng panlinis ng banyo ang biktima matapos maglaslas. Nagtali rin umano ang biktima ng kumot sa leeg.

Hindi pa naman tukoy ang dahilan sa likod ng pagpapakamatay o problemang nagbunsod sa pagpapatiwakal nito.

Ayon sa tiyuhin na si Jay, tahimik na bata si Darryl at sinosolo lamang ang problema.

Samantala, hiwalay na umano ang mga magulang ni Darryl at nasa Dubai ang ina nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.