Is Mo Twister having conflict with his own mother?

 

HINDI SA NAKIKIALAM kami sa buhay ni DJ Mo Twister, ha? Kahit pa wini-wish niya sa twitter na mamatay ang nanay namin, kahit walang kinalaman sa isyu naming dalawa ay positibo pa rin ang tanaw namin dito.

Palagay namin, merong isyu si Mo sa sarili niyang ina na hindi pa rin nare-resolve hanggang ngayon. Kasi, kung mahal niya ang nanay niya at mataas ang respeto niya rito? Siguro, itong nilalang na ito ay meron ding mataas na paggalang sa ibang nanay.

Kung iba siguro ang sinabihan niya ng wish niyang mamatay na sana ang ina, siguro, hindi siya sinanto at kahit saang lupalop siya magtungo ay hahanapin siya para bigyan ng leksiyon.

Kaso, hindi sa gusto naming sumuko sa laban namin sa kanya, dahil katuwiran namin, mas gusto namin siyang tulungan kesa lalong lumala ang “sakit” niyang kademonyohan sa ibang tao, lalo na sa mga inang wala namang kinalaman sa isyu.

Sinabi pa niya na, “’Wag idamay ang nanay? Sana, ‘wag niya idamay ‘yung anak ko. At least, ‘yung nanay, may kasalanan na konti, she gave birth to that troll.”

O, sige na nga, troll na kami kung troll. Si Ate Cristy (Fermin) nga, sinabihan niyang “pangit” at “shrek” nu’ng araw, eh. So, iintindihin na lang namin siya.

Pero idinamay ang anak? Para sinabi lang na-ming ‘wag siyang magpakalunod sa isang babae, dahil nandiyan lang ang anak niyang babae na naghihintay lang sa yakap niya at ‘yung anak niyang ito ang isang babaeng totoong nagmamahal sa kanya.

‘Yun ba ang ‘wag idamay ang anak?’ at susuklian kami ni Mo na sana’y mamatay na ang nanay ko?

Kung addict siguro ‘tong si Mo, p’wede pa nating intindihin, eh. At least, me pinanggagalingan siya. Droga. Nakasama. Kaya ayun, wala sa huwisyo ang pinagsasasabi.

Normal namang tao ito, ewan kumba’t lagi niyang pinupuntirya ang nanay ko noon pa. Hindi naman kami makaganti na gaganu’nin namin ang nanay niya, dahil una, hindi tama at hindi namin masikmurang bastusin ang nanay niyang hindi namin personal na kilala.

Pangalawa, ano’ng kinalaman ng nanay niya sa isyu naming dalawa?

 

KAYA ANG TANONG namin ngayon: Saan ba nanggagaling ang ganitong “angst” ni DJ Mo sa buhay niya?

Kung kilala lang namin ang nanay nito, baka pinuntahan na namin at tinanong: “Mommy, meron ba kayong sariling isyu ng anak mo na up to now, hindi pa po nare-resolve?

“Meron po bang pinagdaanan nu’ng childhood ang anak n’yo, kaya ganu’n ang ugali sa ibang tao? Battered child po ba ‘to nu’ng araw?”

Kung alam lang namin ang number ng mommy niya, ‘yun ang tutuklasin namin para lalo naming maipaintindi sa mga tao kumba’t gano’n ang ugali ni Mo sa nanay niya at sa nanay ko na rin.

Kasi, kahit siguro sa nanay ni Rhian Ramos, matatakot din itong balang-araw, ‘pag nagka-misunderstanding ito at si Mo, posible ring ganu’nin siya ng manugang niyang hilaw, ‘di ba?

Kaya, Mo, kahit ano pang sabihin mo tungkol sa nanay ko, hindi para masaktan kami. Kasi, doon lang napaghahalatang hindi mo mahal ang nanay mo at hindi mo rin siya nirerespeto.

 

SABI NGA NU’NG isang artistang common friend namin ni Mo, “Ganyan si Mo ever since. Sinabihan ko nga siya dati, ingat-ingat siya, eh. Kasi, pag me nakatapat siyang hindi gusto tabas ng dila niya, baka batukan na lang siya o sapakin.

“Saka ang weird pa diyan, ‘pag in love, in love talaga. ‘Yung sa kanila ni Rhian Ramos, sobrang na-depress siya nu’ng inisplitan siya. Nawirduhan pa nga ako nu’ng gumawa pa siya ng blog na nami-miss niya si Rhian, pero ibinubuko niya na nag-live-in sila nu’ng araw.

“Na sabi ko nga, parang hindi tama. Kasi, kung tunay na lalake ka, hindi mo gaganu’nin in public ang babae. ‘Andu’n pa din ang respeto.

“Saka nu’ng nag-split sila, sinolo niya. Ang weird nga, dahil imbes na puntahan niya mga friends niya, hindi ‘yun ang nangyari. Ayaw niya ng kausap. Ayaw niyang makarinig ng unsolicited advice.

“Dahil alam ni Mo na sasabunin lang siya ng mga friends niya, dahil meron siyang mga maling moves na hindi dapat ginagawa ng isang lalake ‘pag broken-hearted.”

Honestly, kung tatanungin n’yo kami ngayon, mas awa kesa galit ang nararamdaman namin dito kay Mo. Kasi, me pinagdadaanan talaga si Mo.

Sana, ‘yung parents niya, gabayan siya. O, puwede rin namang hindi nagkulang ang mga parents, kaso, matigas lang talaga ang bungo ni Mo at me sari-ling desisyon sa buhay.

Nagkabalikan sila ni Rhian Ramos. Hindi lang daw puwedeng ipagsabi uli, dahil gusto nilang maging pribado.

Hindi rin daw puwedeng ipagmalaki, dahil totoo nga ba ‘to? Ayaw ng parents at manager, dahil hindi nakakatulong sa career ng dalaga?

Sino ba naman kami para manghimasok sa lovelife nila, ‘di ba? Sila lang ang makakahanap ng happiness nila, hindi ang ibang tao, kaya we’re happy for both of them.

Kung hindi naniniwala si Mo na sincere kami sa aspeto ng buhay pag-ibig nila, eh, hindi ko na problema ‘yon.

Ang kaso nga lang, talk show host ka ng Juicy at Paparazzi. Celebrity ka rin in your own right, kaya subject to intriga at tsismis ka rin.

Kung TV host ka at masaya kang pinagpipistahan ang lovelife ng ibang artista, dapat, open ka rin ‘pag ikaw naman ang nasa hot seat.

Kung ‘yun ngang ibang hosts ng Juicy, nilalaglag mo, tapos ikaw, napipikon? Fair ba ‘yon?

Inglisero ka. Natatalinuhan ka sa sarili mo. Sana, alam mo ang kasabihang “if you can’t stand the heat, you get out of the kitchen.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

30 thoughts on “Is Mo Twister having conflict with his own mother?

  1. Calm down now Ogie. Masyado na kayong nagkakasakitan. Nadadamay pa ang ina at anak. Although, you guys are amusing people in your warword who love showbiz chismis. Pero tama na about this.

  2. Kaya ginamit na “HER” instead of “HIS” kasi baka pinaparinig tayo na baka talagang silent gay itong si Moooo……

  3. Masyadong personal ang article na ito. You’re losing your credibility as a columnist Ogie. Dun ka sa Twitter makipag away kay Mo. At least si Mo hindi plastic.

  4. Tama ka ogie, tama lng din ang pgkskasult, ksi dba parang gay nman
    Talaga itong si mo…kaya “”her ang ginamt nya….hahaha…
    Wala namn atang lalaki na mkakagawa ng gaya ni mo..at syempre
    Regardng  his relationshp with rian, nasilaw na yang rian na yan
    Sa mga regalo nntong si mo,ksi nga galante ito kng mag regalo…
    Tapos ang mahal kaya nng ssexcapades nilang dalawa…hay nku…

  5. akala mo kung sino ‘tong si mo..porket sumikat dahil prangka eh naging OA na..gusto lagi pag-usapan buhay ng iba..pero pag siya na..ayawan na kagad

  6. hala ang kapal naman ni MOOOO MAGSABING GANYAN KAY OGIE SOS KAHIT GANYAN SI OGIE MAPAG MAHAL NA ANAK YAN AT MAHAL NA MAHAL NYA ANG MGA ANAK NYA SI MOOO ANONG ALAM NYAN SA TUNAY NA MEANING NG LOVE..

  7. mali ang headline ng blog. duh. is mo twister having conflict with HER(?????) mother. dapat HIS. pakialaman muna yung grammar.kadiri

  8. it only shows na walang breeding yang Mo nayan, and i think that he’s sick in the head. if you are in your right mind, why would u wish for somebody else’s mom to die…he needs to see a doctor, a psychiatrist maybe????

  9. Mo i s obviously GAY..LOL.. daig pa babae kung pumutak.. kakahiya.. parang gusto makipag sabunutan.. Rhian ang cheap pinatulan si MO.. eh hindi nga mapakain yun anak nya sa US k bunny paras.. IKKKsSS!!

  10. Ogie..ganito ang gawin ninyong mga manunulat..hanapin ninyo ang angkan ni Mo sa US. Madali lang siguro iyan..ask ninyo sa mga dati niyang kasama sa buhay and alamin ninyo sa kanila or the mother of her child malamang it will give you an idea and from there..trace ninyo. Then interview his family about him. Kung magalit siya..sorry na lang siya…he started the fight paninindigan niya. Since mahilig naman siyang gumawa ng issues, intrigues and gulo, then gulo ang ilapit ninyo sa kanya..his own expense. Sama ba pero a taste of his own medicine.

  11. Ogie kung sinabihan ka ni MO na sanay mamatay na ang NANAY MO, sinuntok mo na lang sana sa mukha niya dahil kung ako ang pagsasabihan niyan na mamatay ang nanay ko. Talagang hindi lang bugbug ang aabutin niya sa akin tortyurin ko pa yan ng buong taon. Pakalalaki ka nga OGIE..

  12. at tama rin si Ogie na kong isa kang host at sinisiraan mo ang ibang artista on air, huwag ka ring magalit kong mayroon ding ibang reporter at artista na sumisiraa sa yo at sasabihin ang totoo tungkol sa yo. It’s not fair na si Mo lang ang may right na makapagsalita about other artists at kong ang personal life naman ni Mo ang pinag-usapan, magalit siya.

  13. Parehas lang naman kayo magkaiba lang atake nyo.. straight forward ngalang si mo sa pag tirada sayo while ikaw you’re playing the api apihan / sensitive / mature gay$h!t and it’s very frustrating cause it shows you are hypocrite . if you read your whole content you’re no different to mo. 

  14. KOREK KA DUBI, BABAE NA PALA SI MO, “HER” ANUBAYAN, EDITOR! PARE PAREHAS NA KAYONG MAG INGLES! MALI MALI!

  15. Is Mo Twister having conflict with her own mother?  ——–> Sana, inayos muna ng editor ang grammar nito. Sa tingin ko, naging personal din ang paggamit nya sa column. Dapat showbiz chika ang feature, hindi showbiz grudge.

  16. hindi na kasi dapat pinapatulan yan si “mo”….hindi porke mahusay mag ingles, matalino na,,,,maraming amerikano (considering na lumaki at ipinanganak sa amerika) ay educated…mahusay lang silang magsalita ng ingles dahil yan ang salita nila talaga, pero kapag pina-spell mo ang sinasabi nila, hindi nila mai-spell, dahil marami sa kanila ay hindi din mga nakapag-aral….no read no write……

  17. DJ Mo has the short man syndrome. Maligaya siya kapag mayroong nasasaktan. Troll is the word. leprechaun is another.

  18. kailangan ni DJ Mo ay exorcism dahil cgurado akong maraming masasamang espiritu sa kanyang katawan.

  19. At saka hindi right yong is publish mo sa twitter mo ang hangarin na mamatayan ang isang tao ng ina, nabasa ko sa journal.com ang sinulat ni vinia vivar about sa wish ni Mo that said “yong upcoming pagkamatay daw ng isang ina which will be much celebrated”. Isang gawain na ito sa disturbed person. Maski anong galit mo pa sa isang tao, you do not wish death on anybody. Lumalabas tuloy na wala kang budhi. Anong bang nakita ng TV5 nitong coward na ito? He will just stain the reputation of this network, kasiraan ito sa integrity ng network, mga bubo talaga ang mga executive sa TV5 to tolerate this kind of behavior.

  20. DJ mo ay bakla. wala na mahada bunganga niya kaya hayaan na lang siya. punta na lang siya sa nayong pilipino at titing ashtray na kahoy ang isubo niya!

  21. BITTER SI MO SA LIFE NIYA KASI WALA SIYANG FREEDOM NA MAILABAS NIYA ANG TUNAY NA PAGKATAO NIYA NA ISANG BAKLA. GANOON DIN ANG FEELING KO KAY LUIS MANZANO PIOLO PASCUAL AT RAYMOND G. MAGLADLAD NA KASI KAYO WALANG MASAMA DOON.

  22. @kenneth villaverde, you might think Ogie is ugly but his column here is explained well. And let’s not look the other way regarding Moooo. Totoo naman lahat ang mga sinasabi ni Ogie dito ah about sa pagrespeto ng mga magulang at totoo naman ang sinasabi ni Ogie dito ah about Moooo’s treatment to her child. Daming time ni Mo sa paninira sa ibang mga tao, pero wala siyang time mag bonding sa sariling anak nya. Pina adopt pa nga nya ang sarili nyang anak kasi ayaw ng responsibilidad. It would have just been justified if Mo does not have money to support the kid, pero he is making hundreds of thousands of pesos. I guess his only responsibility then was when he pulled his pants down to make this kid and after that, it is not his responsibility anymore. Talking about a real responsible man or woman???????

  23. Good for you Ogie for standing up for your rights. Agree ako sa lahat ng mga sinasabi mo dito, may sense ka talaga about sa mga pinagsasabi mo kay Moooo the cow (COW-ard that is!!!!!). Ang lalaking coward lang yata ang may personality ng ganyan. May tupak talaga itong utak ng Mo Twister na ito. At totoo talaga ang mga pinagsasabi mo Ogie na kung ang tao may hidden agenda, anger, sadness, complicated lifestyle or very disturbed personality, lalabas talaga yon by the way you present yourself to the public. The psychologist who works in the hospital I used to work here sa US sinabihan kami na ang mga taong positibo at laging happy at walang trace na anger, walang bitterness at kontento sa kanilang buhay at hindi naging jealous sa ibang taong may material things are the true happy people. Sinabihan kami na kung haping tao daw tayo dapat secure daw tayo at hindi na nating ipagyabang kung anong magaling tayo, kesihudang magaling mag english at sa ibang mga bagay. I agree na may pinag daanan talaga itong si Mo ng sad experience kasi makita mo sa kanyang personality now. Sana, he will find true happiness by accepting help from other people and hopefully he will see a psychiatrist para matulongan siya kung ano man ang nag bother ng konsensiya nya kung bakit ganoon ang pag uugali nya.

  24. hayaan mo, ogie at ipaiimbestiga ko yang troll na dj mother fucker na yan. bigyan din natin sya ng mga kaso para makulong rin gaya ng ate glow mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.