Is hurting with the young actor’s fate: Ai-Ai delas Alas, willing support Jiro Manio!

FIRST TIME NAMING nakita at nakausap si Ana Miguel, ang kasalukuyang girlfriend ni Martin Jickain.

“Kaya nga natatawa ako sa balita na nagkabalikan kami ni Martin. Paanong mangyayari iyon e, kasama ko ngayon ang girlfriend niya, si Ana.” Sabi sa amin ni Aiko Melendez sabay turo sa katabi niyang girl.

Si Ana Miguel ang bagong kaibigan ni Aiko, pero matagal nang girlfriend ng dati niyang husband na si Martin.

“Hi, po!” Maikling bati sa amin ni Ana, pero hindi kuntento ang Pinoy Parazzi sa ganu’ng bati.

“Ah, ‘yun po ba? Nagkakilala kami ni Aiko through Martin mismo. As far as I know, naging maganda naman ang paghihiwalay nila kaya walang naging problema. Kaya nga magkasama kami ngayon ni Aiko,” paliwanag ni Ana.

Ayon kay Aiko, mas gusto raw niyang maging kaibigan kung sino man ‘yung bagong mahal ng kanyang ex.

“’Di ba noong sina Pops Fernandez at Jomari, ‘di ba napaka-open ko sa pagsasabi kong okey ‘yun sa akin. Then dito naman kay Martin, friends kami ni Ana, kaya wala ring problema. Para sa akin, kasi mas gusto ko ‘yung mas maraming kaibigan kesa sa kaaway.”

Paano naman ‘yung magiging bagong pag-ibig ni Mayor Patrick Meneses? At sa tanong naming iyon ay natawang parang hindi mo maintindihan ang reaction ni Aiko. “Ok lang, wala na naman kami, ‘di ba?”

Kumusta na ang kaso ninyo ni Patrick? Tanong uli namin habang on-going ang concert ni Ai-Ai delas Alas sa Establishment na ipinorodyus ni Pops Fernandez.

“As far as I’m concern, kung maaari ayoko na siyang pag-usapan dahil nasa court na ang usapin. Pero siguro, wala namang masama kung maging kaibigan ko rin ‘yung magiging girlfriend niya. Kasi ako naman ‘yung taong hindi nagtatanim ng galit sa kapwa.”

May dapat bang panghinayangan si Aiko sa nawalang relasyon nila ni Mayor Patrick?

“Morly?! Hello?! Huwag na… huwag na natin siyang pag-usapan pa, kasi pinagbawalan na ako ng abogado ko na magsalita, since nag-counter na kami sa kanya.”

Reaction mo lang sa isyung persona non grata ka na sa Bulacan?

Ha?! Hindi naman ganu’n ang mentality ng mga taga-Bulacan. Matatalino naman silang tao. No, walang ganu’n! Actually, nakapag-taping na nga ako sa Bulacan last week lang. I mean, hindi naman sila nakikialam sa kung ano man ‘yung personal na problema namin ni Patrick. Hindi totoo iyan. Walang ganyan.”

Sa kabuuan, sinabi ni Aiko na walang dahilan para malungkot at magmukmok siya sa problema ngayong wala siyang lovelife.

“Bakit sa lovelife lang ba ako magiging masaya? Nandiyan ang mga anak ko at walang dahilan para malungkot ako,” tumatawang pag-wawakas ni Aiko.

 

INAMIN NI AI-AI delas Alas na handa talaga niyang tulungan financially si Jiro Manio sa sandaling lumapit ito sa kanya. “Noong una kasi, tsismis lang. Ayokong paniwalaan, pero nu’ng malaman kong totoo pala, siyempre nanay ako ng batang iyan kaya nalungkot talaga ako. Hindi ko kasi akalain na hindi niya makakayanan ang sitwasyon niya, kaya bumigay ang bata. At bilang ina, masakit para sa akin na ang aking anak ay magkaganu’n.”

Pero ayon kay Ai-Ai, kung nag-open lang sa kanya si Jiro, baka noon pa niya ito napagpayuhan.

“Mahal na mahal ko si Jiro, pati na ‘yung mga anak ko sa Tanging Ina. Kasi ang tingin ko sa kanila, hindi lang katrabaho, kundi anak ko talaga sila. At sinong ina naman ang matutuwa kung maliligaw ng landas ang isa sa mga mahal mo, ‘di ba?”

Sinabi ni Ai-Ai na ngayong nasa rehab si Jiro, balak niya itong dalawin. “Gusto ko siyang dalawin talaga. Gusto ko siyang makita. At kung ano ang maitutulong ko sa kanya, handa ko iyong gawin dahil naging mabuting anak ko si Jiro,” pagwawakas ni Ai-Ai sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Is hurting with the young actor’s fate: Ai-Ai delas Alas, willing support Jiro Manio!

  1. sayang ito si Jiro nalulong sa drugs………..baka next time mang rape naman ito……pero di bale artista yan rehab lang ok na. Sige Ai tulungan mo financially para next time di na user kundi pusher na

  2. tapos ano, ai ai? hihipuan mo rin gaya ng pangaahas mo dati kila rico yan, dominic at marvin???!!!! odebahnaman, ogie d??? ang taray!!!!

  3. 6 june

    dear jiro,
    keep praying for God’s guidance! you will surpass this travail and get back to
    normal life. i am one of those who believe in your potential as an actor!
    i am also one of the many who trust in your ability to get back on your feet
    and employ self-discipline! we love you!

Leave a Reply

Your email address will not be published.