Is Elmo Magalona courting Lauren Young?!

DALAWANG TEEN STARS ngayon ang nagliligawan diumano sa Twitter. How true kaya na pino-pormahan ngayon ng Party Pilipinas mainstay na si Elmo Ma-galona ang bida ng Mula sa Puso na si Lauren Young? Napansin ng mga Twitter users na madalas magpalitan ng direct message ang dalawa.

Hindi naman maiwasan ng iba na kiligin at mag-react sa sunud-sunod na Tweets nila. May mga nagsasabi naman na naging close lang ang dalawa dahil matalik na magkaibigan ang mga ate nila na sina Megan Young at Saab Ma-galona.

Kung sa isang network lang siguro sila nagtatrabaho, malamang ay ginawa na silang loveteam!

 

MGA TAGAHANGA NI MARIAN, PIPIGILAN ANG DINGDONG-HEART PROJECT!

Kahit na anong pilit ng GMA-7 na itago ang naging gusot sa pagitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista sa set ng Temptation Island, hindi pa rin ito nakaligtas sa madla.

Umabot pa sa puntong nasigawan diumano ng nanay ni Heart si Ma-rian sa airport habang bitbit ang ilang bodyguards. Ang eksenang ito ay ikinaluha ng aktres. Dahil sa mga naglalabasang balita, nagtangkang mag-protesta ang mga DongYan fanatics na huwag nang ituloy ang balak sanang pagtatambal sa telebisyon nina Dingdong Dantes at Heart Evangelista.

Akala nang iba’y gimik lamang ito para sa promo ng Temptation Island. Ang pagkadawit ng ina ni Heart at ang pag-iyak ni Marian ang sanhi ng biglaang pag-aaway ng kani-kanilang mga tagahanga.

 

JOHN LLOYD CRUZ AT ANGEL LOCSIN, MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA!

Pagkatapos magsama sa isang shampoo endorsement, sa pelikula naman ngayon magbabalik-tambalan sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Ito ang kinumpirma mismo ng Star Cinema. Ang untitled project ay hahawakan ng romance-comedy queen na si Cathy Garcia-Molina. Hindi pa kumpirmado kung kailan uumpisahan ang shooting ng nasabing pelikula at kung ano ang genre nito. Ang balitang ito ay agad na ikinatuwa ng mga tagahanga ng dalawa.

Hindi maikakailang nagkaroon na rin ng fanbase ang kanilang tambalan simula nang magsama sila sa Imortal. Sa totoong buhay ay very much in love si John Lloyd Cruz kay Shaina Magdayao, samantalang exclusively dating naman ngayon sina Angel Locsin at Phil Younghusband.

 

RAYVER CRUZ, BAGONG LEADING MAN NI CRISTINE REYES SA ‘REPUTASYON’!

Siguradong masayang-masaya ngayon si Cristine Reyes sa pagkakapili kay Rayver Cruz bilang leading man niya sa upcoming sexy-drama series na Reputasyon. Noong una’y si Derek Ramsay ang napabalitang makakasama ni Cristine sa serye. Lumutang din ang pangalan ni Jake Cuenca sa initial casting, pero busy na ito sa iba pang proyekto. Kahit pa sabi-hing third choice lang siya para sa role, ang importante para kay Rayver ay sa kanya pa rin si Cristine – on and off camera. Bongga lang, huh?!

 

JESSY MENDIOLA, BAGONGBABAE NI GERALD ANDERSON!

Masayang-masaya si Gerald Anderson sa nalalapit niyang pagbabalik sa primetime bida. Siya ang napili ng Kapamilya Network na magbida sa Budoy, isang ‘advocacy serye’ tungkol sa mga mentally-challenged people. Isa itong panibagong hamon sa kakayahan ng binata bilang aktor. Maliban sa star-studded cast na makakasama niya, ikinatuwa rin ni Gerald ang pagkakaroon niya ng bagong kapareha sa katauhan ni Jessy Mendiola. Unang nagsama ang dalawa sa teleser-yeng Kung Tayo’y Magkakalayo, pero ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataong maging magkapareha. Nang tanungin kung handa na siya sa mga buwelta ng Kimerald fanatics sa kanya, tanggap na raw niya na parte ito ng kanyang trabaho bilang isang aktres.

 

RACHELLE ANN GO, MASAMA PA RIN ANG LOOB KAY JOHN PRATS!

Kahit na anong pilit ng press, tikom pa rin ang bibig ng Party Pilipinas diva na si Rachelle Ann Go tungkol sa break-up nila ng Happy, Yipee, Yehey host na si John Prats. Akala ng lahat ay going strong ang kani-lang relasyon kahit pa magkaibang istasyon na ang pinagsisilbihan nila. Hindi naman ikinaila ni Rachelle Ann na masama pa rin ang kanyang loob sa dating boyfriend.

Ayaw namang magsalita ng dalawang partido tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan. Suspetsa ng iba, may kinalaman ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo sa break-up, dahil madalas silang tinutukso ng kanilang mga katrabaho.

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “Is Elmo Magalona courting Lauren Young?!

  1. haaay  FYI hindi masama ang ugali ni julie baka ikaw ,mapanira ka parang ang ganda mu compared sa kanya                                                                                                                                                        at least may moviencla ni elmo and may kissing scene pa hahahahahah lauren laos

  2. YES it’s true si elmo at lauren young na. isinama pa ni elmo si lauren sa gma. at kahit sa tapings kasama din ni elmo si lauren until dawn

  3. HAHAHAHA SINO NAMAN YANG JULIE ANN NA YAN COMPARED KAY LAUREN?!?!

    Mga fans ng JulieMo puro kamag-anak lang ni JulieAnn haha 

  4. naku si elmo magalona eh trying hard maging singer at rapper pero wala talaga cyang talent kasi sintunado cya. wala cyang binesa sa ama nyang si francis magalona. cheap ni lauren young kung papatol siya sa anak ng cheap na babae. hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.