IRR sa PST, Tinalakay sa PAGASA-DOST

PINAG-USAPAN KAHAPON ang public consultation sa Luzon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10535 o Philippine Standard Time Act of 2013 na pinangasiwaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Department of Science and Technology (DOST).

Matatandaang nitong Mayo 15, 2013 ay inaprubahan ni Pangulo Benigno S. Aquino III ang nasabing batas. Kaugnay nito ang pagtatalaga sa tuwing unang linggo ng Enero bilang National Time Conciousness Week at ang PAGASA lamang ang mandated na magbigay ng Philippine Standard Time (PhST) sa mga Pilipino partikular sa mga ahensiya ng gobyerno.

Batay sa Seksiyon 10 ng Republic Act No. 10535, lahat ng tanggapan ng bansa ay maglalaan ng pondo sa instalasyon, operasyon at maintenance ng synchronized time devices na mailalagay sa mga strategic na lugar.

Magtutulungan ang DOST, National Telecommunications Commission (NTC), Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Civil Service Commission (CSC) para ito maisakatuparan.

 (MJ BALAGUER)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.