Irish National, Hinubaran na Ninakawan pa sa Bora

HINUBARAN MUNA bago pinagnakawan ang isang binatilyong Irish national matapos na makipag-date sa isang babae sa isla ng Boracay.

Personal na nagtungo sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang nasabing biktima na si Ethan Coley, 16, taga-Ireland at nagbabakasyon lamang sa isla kasama ang kanyang ama.

Ayon sa biktima, iniwan siya ng mga salarin sa madilim na bahagi ng iskinita sa Station 2 matapos na mahubaran ng damit at makuha ang mga gamit kasama ang dalang pera na 40 pounds at cellphone.

Base sa pagsisiyasat ng Boracay Police, niyaya umano siya ng kanyang amang pumasok sa isang bar, ngunit makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya upang magpahangin.

Nang bigla umanong may lumapit sa kanyang isang maganda at seksing babae na gustong makipag-date sa kanya.

Dahil sa naakit sa kagandahan ng babae, sumama umano siya rito ngunit pagdating sa madilim na eskinita ay biglang sumulpot ang tatlong lalaki na kumuha sa kanyang pera at gamit.

Samantala, kaagad namang nagsagawa ng pagsisiyasat  ang BTAC at tinutugis na ngayon ang mga kawatan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.