Irish Fullerton, luwa ang kaluluwa!

Matapos ang maikiling showbiz stint ni Irish Fullerton after ng Season 1 ng Pinoy Dream Academy, bumalik ito sa America para ipagpatuloy ang kanyang nursing course. That time, 23 years old si Irish na tinaguriang “Crush ng Bayan” sa loob ng Academy. Pero hinahanp pa rin daw niya ang kanyang swerte sa showbiz kaya naman noong October 2006, bumalik din siya kaagad.

Sa muling pagpasok ni Irish Fullerton sa mundo ng showbiz, sangkaterbang intriga na naipukol sa kanya. Na kesyo ginagamit lang din niya ang napapabalitang boyfriend niya noong si Jay-R Siaboc – ang 2nd Star Dreamer ng PDA. Napabalita ring si Irish diumano ang dahilan ng umano’y tangkang pagpapakamatay ni Jay-R, dahil sa nabalitaan umano ng huli na may boyfriend si Irish sa Amerika. Isa pang isyung ibinabato kina Irish at Jay-R ang umano’y ‘green card’ lang ang habol ng binata sa sa dalaga. Lahat ng ito’y pinabulaan ni Irish.

Pero ang higit na nakakaintrigang ay ang ‘scandalous photos’ umano ni Irish kung saan nakasuot siya ng two piece bikini sa isang modelling contest sa California. Matagal na itong isyu, at sa mga naglabasang litrato sa internet, mukhang wala namang masama o iskandaloso sa mga ‘pose’ ni Irish. Sa mga naglabasan sa internet, maaaring wala. E, dito kaya sa mga litratong ito na kuha rin sa naturang event? Abangan ninyo mga Kaparazzi, ang mga susunod na labas ng Pinoy Parazzi, kung saan ilalabas namin ang serye ng mga litratong bubuo sa kuwento ng naturang iskandalo!

[ad#ad-text-links-1]

loading...

2 thoughts on “Irish Fullerton, luwa ang kaluluwa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.