Iraq at Yemen, Wala Nang Deployment Ban – DOLE

MAAARI NANG muling nakapagtrabaho ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa Iraq at Yemen.

Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz.

Ayon kay Baldoz, ito’y sa harap ng pag-alis din ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng alert level matapos humupa ang matinding kaguluhan sa mga nasabing bansa.

Gayunman, para sa Iraq ay kailangan aniyang bumuo muna ng bilateral agreement na siyang gagawa ng regulasyon sa pagtatrabaho ng mga newly-hired o bagitong OFW roon.

Para naman sa mga dati nang nagtatrabaho sa Iraq ay maaari na rin silang bumalik doon basta’t may maipiprisintang kontrata.

Samantala, kapwa naman aniyang naalis na ang deployment ban para sa mga newly-hired at dati nang OFW sa Yemen.

Magugunitang ipinatigil ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW sa mga naturang bansa dahil sa matin-ding kaguluhan doon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.