Ipo-ipo, Nanalasa sa CamSur

NAGDULOT NG matinding pinsala sa mga pananim ang nanalasang ipo-ipo sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur kamakailan.

Nabatid na nagmula ang nasabing ipo-ipo sa makapal at maitim na ulap na namuo sa kalangitan.

Bagama’t walang nasugatan o nasawi sa pangyayari, napakara-ming punong-kahoy naman gaya ng pili, niyog at saging ang natumba.

Habang napinsala rin ang mga tanim na palay ng mga residente sa nabanggit na lugar.

Samantala, kaagad namang inayos ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) ang mga linya ng kuryente na naapektuhan ng pana-nalasa ng ipo-ipo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.