Ipinilit ang Bilateral Talks; ‘Pinas, Muling Sinisi ng Tsina

NAGPAPATULOY ANG tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

Sinagot ng Tsina ang pahayag ng Pilipinas kamakailan kung saan binigyang-diin ng huli ang pagtanggi ng una na makipag-dayalogo kaya dumulog sa arbitral tribunal.

Sinabi ni Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying na ang Tsina ang dismayado sa pagtanggi ng Pilipinas sa diplomatic negotiation at pagsasara ng pinto sa pakikipag-dayalogo.

Muli rin nitong kinontra ang isinusulong na international arbitration ng Pilipinas, na sa pinakahu-ling balita’y umuusad na.

Inihayag pa ng Foreign Ministry, ang Pilipinas ang dahilan kaya umusbong ang isyu ng agawan sa teritoryo. Ilegal aniya ang pag-okupa nito sa ilang bahagi ng Nansha Islands.

Pinanindigan ng Tsina ang posisyon sa pagresolba ng isyu sa pamamagitan ng bilateral negotations alinsunod sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

Hinimok din nito ang bansa na itama ang mga maling hakbang at pumayag sa bilateral talks para maibalik ang kapayapaan sa rehiyon.

“China urges the Philippines to correct its erroneous actions, make positive response to China’s suggestions in March, 2010 and January, 2012 respectively of establishing the Sino-Philippine regular consultation mechanism on maritime issues and resuming the Sino-Philippine mechanism on trust-building measures, and come back to the correct track of resolving disputes through bilateral negotiations.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.