Ipinamahaging Relief Goods, Umabot na sa 1 Milyon

NAABOT NA umano ng pamahalaan ang “1 millionth mark” sa ipinamahaging relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad sa Eastern Visayas.

Pinangunahan ni Interior Sec. Mar Roxas ang isang seremoniya sa bayan ng Tanuan, kung saan naibahagi ang pang-isang milyong bilang ng food pack.

Sinabi ng kalihim na patunay umano ito sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na mabigyan ng tulong ang mga kababayang biktima ng bagyo.

Base sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinasabing nasa 987,423 food packs na ang naibigay ng ahensiya, mula sa itinayong “relief hubs” sa Tacloban City, Ormoc City at bayan ng Guian sa Eastern Samar.

Una na ring naireport na tuluy-tuloy rin ang natatanggap na international aid at pledges ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga hinagupit ng bagyong Yolanda.

Lumalabas sa datos mula sa Foreign Aid Transparency Hub (Faith), umabot na sa halos P13-bilyon ang mga naipaabot na tulong ng maraming bansa.

Sa nabanggit na halaga, mahigit P7.4-bilyon ang cash habang nasa P6-bilyon ang “non-cash” items.

Samantala, ang naturang tulong umano ay nanggaling sa 53 mga bansa at international organizations.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.