Ipinakulong ng anak ‘dapat magdusa si tatay’

MISMONG ANG anak ang nagpakulong sa kanyang 47 anyos na ama makaraan ang ilang buwang pagtatago nang aksidenteng mabaril at mapatay nito ang bunsong anak sa bayan ng Cuartero, Capiz.

Si Ernesto Albulario ng Roxas City ay noong Abril 2011 pa pinaghahanap ng batas nang mapatay nito sa pamamagitan ng indiscriminate firing ang dalawang taong gulang na anak na lalaki.

Gayunman, sinabi ng Cuartero Police na matagal na nilang pinaghahanap si Albulario makaraang isyuhan ng warrant of arrest ng Roxas City Regional Trial Court Branch 14, subali’t hirap silang madakip ang suspek bunsod ng palipat-lipat ng pinapasukan.

Nang umuwi ito sa kanilang tahanan sa Barangay Maindang, mismong ang panganay na anak na ang nagsumbong sa pulis upang managot sa kasong Parricide in relation to RA 7610.

Sinasabing matindi ang pagtutol ng ina para madakip si Albulario, pero nanaig ang galit ng panganay na anak dahil hindi nito matanggap na ang kanilang ama pa ang papatay sa kanilang bunso. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.