Ipinakulong na ng Ina
Binatang Adik, 3 Beses Ni-Rape ang Utol;

ISANG BINATA na gumon sa ipinagbabawal na droga ang swak sa kulungan makaraang ipaaresto ng kanyang ina dahil umano sa tatlong beses na pangagahasa ng una sa kanyang nakababatang kapatid na babae sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang suspek na naghihimas ng rehas na bakal ng piitan ay nakilalang si Joseph Manuela, 21, residente ng Bacog Tulay, Brgy. Daang-Hari ng nabanggit na lungsod habang ang biktima naman ay nagngangalang “Maria” (hindi tunay na pangalan) ng nasabi ring tirahan.

Base sa pahayag ng biktima sa Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Navotas Police Station, una siyang ni-rape ng kanyang kuya noong nakalipas na 2009, sinundan noong 2012 at ang huli ay kamakailan lamang.

Ayon sa biktima, hindi siya makapagsumbong sa kanilang ina dahil tinatakot siya ng kanyang kuya na adik na sasaktan kaya nagpaubaya na lamang siya sa makamundong pagnanasa ng kanyang kuya.

Dagdag pa ng biktima, madalas siyang gustong pagparausan ng kanyang kuya kaya napilitan na siyang magsumbong sa kanilang ina na nagresulta naman sa maagang pagkakaaresto sa suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.