Ipinagyabang ang Boga; Mister, Kulong sa Bato

HINDI NAKALIGTAS sa kulungan ang isang mister nang mahulihan ng mga Shabu makaraang madaanan ng mga pulis na ipinapakita ng una ang dalang baril sa kainuman sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs si Neil Alejandro, 37, ng F. Pascual St., San Jose ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, nagpapatrolya ang mga pulis sa Phase 1-C ng lungsod nang makita ang suspek na ipinakikita ang dalang kalibre .45 sa kainuman.

Agad na nilapitan ang suspek na nagpakita ng mga papeles sa dalang baril subalit nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng Shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.