Ipinagkalat kasing mawawala na ang kanyang show
Sharon Cuneta, naglabas ng hinanakit sa isang blogger!

NOONG SABADO, July 21, sa Paparazzi Showbiz Exposed ay eksklusibong nakapanayam ni Cristy Fermin ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kinumusta ni Cristy si Sharon na nitong mga nakaraang linggo lang ay naging laman ng mga balita dahil sa tsismis na diumano ay mawawala na ang kanyang show.

Hindi nakapagpigil ang Megastar at sinagot niya ng punto por punto ang issue noon sa pamamagitan ng social networking site na Twitter.

Si Sharon na rin ang nagbukas ng topic kay Cristy tungkol sa mga isyung lumulutang na diumano ay nalalapit nang magtapos ang kanyang programa sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo Kapatid.

Aniya, “Ako na magbubukas nito, ‘Nay. Gusto ko ring linawin na parang masisibak na ‘yung show in a month, na meron na raw hinahandang ibang show na papalit.

“Siya (‘yung blogger) rin ‘yung unang nagsabi sa napakalaking news daw na lumipat ako sa Channel 5, na kung anu-anong ganyan, ‘yun pala nag-decide na raw yung mga boss na once a week na lang ‘yung show kong gagawin, hindi everyday.

“Eh, hindi pa lumalabas ‘yung show no’n. So lahat mali, lahat sinungaling. Tapos this time… hindi ko alam ‘yung source niyang mali. Ano bang source niya, Pasig River?”

Dugtong ni Cristy dito, “Tsaka mula nang magsimula itong iyong programa, an’dami mo nang puso na hinaplos, an’dami mo nang kababayan na binigyan ng pag-asa at kaligayahan. Siguro sapat nang sagot ‘yon sa mga nang-iintriga, ‘di ba?”

Na sinang-ayunan naman ni Shawie, “Tsaka kilala ninyo ako mula pagkabata halos… kilala ninyo ba ako na kapag tumutulong ay inaanunsiyo?”

Sagot naman ni Cristy dito ay isang sikretong ngayon lang nalaman ng lahat. Aniya, “Meron nga akong alam, eh, baka pagalitan mo ako kapag sinabi ko sa iyo. Nu’ng down na down ang aking anak-anakan na si Willie (Revillame), hinding-hindi ka niya p’wedeng traydurin, hinding-hindi ka niya p’wedeng saktan. Kasi nu’ng time na bagsak na bagsak ang kanyang estado, ang kanyang karera at buhay, ikaw ‘yung tumawag, ‘Wil, nasaan ka? May ipapadala ako sa iyo’.”

Natatawa namang sagot ni Shawie, “Binayaran niya ako, ‘Nay. Binayaran niya ako ng tseke. Pinunit ko sa harap niya. Sabi ko, bakit mo ako binabayaran? ‘Di ba, regalo ko sa iyo ‘yon? Bakit? Mayaman ka na ngayon? Nagmamalaki ka na?”

Nang napadako na ang usapan sa pagyao ng Comedy King na si Dolphy, dito na bumuhos ang emosyon ni Sharon. Dito ay ibinuhos na rin niya ang pasasalamat kay Mang Dolphy dahil minsan daw isang panahon ay ipinagtanggol siya nito. Ito ay ang intrigang natanggap niya noong 19 years old pa lamang siya nang nanalo siya ng best actress award mula sa isang award-giving body.

Kuwento ni Sharon, “Nag-speech siya, kasi nag-receive siya ng something tapos sa gitna po ng speech niya, sabi niya, ‘wag naman nating husgahan, siya po ‘yung nagsabi na wag po nating husgahan at ‘wag nating apihin ang mga kasamahan natin sa industriya, something like that.

“He defended me. Eh, isa siyang Dolphy especially at that time. Na hindi naman niya kailangang gawin, ‘di ba? Ang ginawa ko po, tumakbo lang po ako backstage, hinintay ko siya. Nu’ng palabas siya, kinamayan ko lang po siya kasi hiyang-hiya pa ako noon. Sabi ko, maraming, maraming salamat po. Sabi niya, kinindatan lang niya ako. Gumano’n lang siya, parang walang anuman.”

 

MAY NAKARATING sa aming kuwento na pareho pala ng manager itong sina Eduard Bañez at Bay Bisaya noon, pero halos sabay rin nilang nilisan ang kuwadra ng manager. Hindi lang namin alam kung ano ang dahilan ng dalawa dahil hindi na namin ulit pa sila nakausap nang personal.

Nagkanya-kanya ng raket sina Bay at Eduard pero pinagtagpo rin sila sa NET25, sa morning show ng istasyon na Homepage. Napanood namin sila minsan sa kanilang morning show at Dodong Ed ang tawag nila kay Eduard. Nakita namin sa Facebook ni Eduard ang ilang pictures nila at halatang enjoy silang dalawa sa kanilang ginagawa.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

9 thoughts on “ Ipinagkalat kasing mawawala na ang kanyang show
Sharon Cuneta, naglabas ng hinanakit sa isang blogger!

  1. SHARON !MAGPAHINGA KA NA!NAGPAPASTRESS KA PA SA MEDIA AT MGA INIS SA YO!IT’S NOT WORTH IT !KAHIT ISAMA MO PA LAHAT NG KAMAGANAK MO HINDI NYO KAYANG GASTUSIN ANG BILLIONES MO !ANO PANG GINAGAWA MO EXIT NA! YOU’RE NOT A GOOD HOS AT U KNOW THAT!WALA KA SA DUMI NG KUKO NI KRIS!MAGPRODUCE KA NALANG NG CONCERT MO!KUMANTA KA NA LANG PERO PAPAYAT KA MUNA.NAGAGALIT KA NA HINDI TUTUO NA TITIGBAKIN ANG SHOW MO EH TOTOO NAMANG TITIGBAKIN YAN SOON ,SINO BA NANOOD SA YO!BAKA KAHIT KAMAGANAK MO HINDI KA PANUORIN!BAYARAN MO KO PAPANUORIN KITA WITH MY BLANKET COVERING MY FACE!KALOKA !RETIREEEEEEEEEEEEE NA TABA!!!!!

  2. Tama, leave ka muna, sobrang tabaching mo na, dika nga makatayo sa upuan mo, wala kang energy so nagiging boring ang show mo. sobrang dami ng problema mo pa. haay nakuu\
    kawawa ang tv5.

  3. kung tumahimik na lang si sharon eh di sana hindi sya ngawa ng ngawa. kung kelan naman isa na sya sa mga tunay na haligi ng showbiz, tsaka naman naging ugaling starlet si sharon, wala bang tunay na mga kaibigan ito para payuhan sya?

  4. in denial pa si tabatsingtsing…. dapat na rin naman talaga sibakin ang show mo kasi wala naman nanonood lugi lang ang kumpanya, hindi sapat na nakakapagbigay ka ng inspirasyon dapat magbigay ka rin ng income sa kumpanya…. para kang bago ng bago…. tagal mo na sa industriya parang hindi mo pa rin alam ang kalakaran jan…. 

  5. sharon you should justify your million contract to ABC5. Employee should be assets to the company not a liability. 

  6. Tularan sana ni Sharon yong ibang mga artista na hindi pumapatol sa mga angry tweets. Maski anong bagay, walang pinalampas, nagmistula tuloy na may hidden unhappiness behind all the success. Choose your battles in life Sharon. Sa dami mo nang pera, pinatulan mo pa yong mga away awayan na yan. I’m sure a lot of hungry and poor people would like to trade places with you and won’t even bother those little things. Sa daming problema ng Pinas ngayon, yon lang mga away awayan ang inatupang mo just because you don’t like people talking bad against you. Sa tagal mo na sa industriya na ito, you of all people should understand the negativity side of this fake world. Tularan mo si Dawn Zulueta, hindi nag titweeter, kaya yon,hindi sangkot sa awayan, She keeps her dignity intact.. Or tularan mo rin yong ibang celebrity dyan na maski may tweeter pero they know how to draw the line. Para ka ring si Ruffa na putak ng putak. Alalahanin mo Sharon na you worked so hard to where you are now and pinababa mo lang ang sarili mo sa pakikipag-away sa mga fans. Remember Sharon na hindi maging where you are now kung hindi pa sa mga fans na tumangkilik sa mga movies, tv shows at concert mo, kaya magpaka humble at magpakabait ka. At sa dami mong pera, magpapayat ka naman para naman may kilig yong mga taong makita ka kung saan. Karamihan kasi pag nakakita ng mataba, sabihin walang self control or depressed yan, it is a stigma stucked by the society into obessed people. You might not agree with that but you are also in the limelight and para din yan sa kalusogan mo yan.

    • Sobrang agree ako sa sinabi mo Felix.Sharon should take her vacation muna away from showbiz.Ayusin muna nya ang sarili nya.Yung looks nya ngayon is soooo unpleasant for tv viewers.Dapat papayat muna sya bago bumalik sa showbiz.or better yet,quit showbiz nalang tutal mayaman na sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.