Pulandit: Ipakulong si Brother Mike Velarde!

WHAT ARE WE in power for?

Tamang-tama ito kay El Shaddai leader Brother Mike Velarde sa mga panahong ipinakikita niya sa 92 milyong Pinoy kung gaano siya kalakas sa isang mahinang bansa na tulad natin.

Sa panahong ito ng Semana Santa ay ipinamalas ni Brod Mike kung paano magsakripisyo para mas magkaroon ng malaking pakinabang. Perdegana ang tawag d’yan.

Isang klase ng senaryo na nagpapakita ng kahinaan ang estado laban sa isang makapangyarihang religious leader na gumagalaw at namumuhay sa ilalim ng Saligang Batas.

Klasikong ehemplo ito ng sinasabing “If Mohammad cannot go to the mountain, the mountain will go to Mohammad.”

Nagawa ito ni Velarde sa isyu ng maeskandalong C-5 road construction sa pamamagitan ng personal niyang pag-amin na siya ang nagpaliko ng kalsada upang umano’y hindi mapinsala ang kanyang properties.

Sa kinita niyang P1.2  bilyon, ibig sabihin, baka mas malaki pa sana rito ang nakulekta niya sa gobyerno kung hindi na-detour ang constructions. Hindi na mahalaga sa atin kung ang agenda niya ay iligtas si Manny Villar, ang pinag-uusapan natin dito ay kung anong klaseng talisman ang kanyang dala para makapagpaliko ng kalsada.

Ang magandang puntusan dito ay kung pasok ba sa isang equal protection clause ng ating batas ang inasal ni Mike?

Susunod ba ang DPWH o estado kung ang isang ordinaryong Juan dela Cruz ang mag-utos na iliko ang kalsadang gagawin dahil tatamaan ang kanyang bahay?

Noong ginagawa pa ang Mindanao Avenue at Congressional Avenue sa Quezon City, maraming building ang tinabas na halos kalahati lang ang natira dahil tatamaan ng konstruksiyon. Ang mga bahay ng mga mayayaman at mahihirap ay parang winalis upang bigyang-daan ang dalawang major roads.

Wala akong narinig na religious leader na tulad ni Mike ang naglagay ng detour para lumiko ang mga bulldozer at mga backhoe. Dumiretso ang paggawa hanggang sa matapos.

Napapakinabangan na ngayon ng publiko ang dalawang major roads na binuksan ng gobyerno.

Bakit walang nagawa ang mga property owners?

Ito po ang sagot:

Eminent domain is “the power of the nation or a sovereign state to take, or to authorize the taking of, private property for a public use without the owner’s consent, conditioned upon payment of just compensation.” It is used interchangeably with “expropriation.”

It is acknowledged as an inherent political right, founded on a common necessity and interest of appropriating the property of individual members of the community to the great necessities of the whole community. The exercise of the power of eminent domain is constrained by two constitutional provisions: (1) that private property shall not be taken for public use without just compensation under Article III (Bill of Rights), Section 9 and (2) that no person shall be deprived of his/her life, liberty, or property without due process of law under Art. III, Sec. 1.

Ang maliwanag na sinasabi ng batas ay puwedeng gamitin ng gobyerno ang ari-arian ng sino man sa atin kung ito ay pakikinabangan ng publiko. At nakasaad sa “power of eminent domain” na kung tawagin ay “inherent power of the sate” o likas na kapangyarihan ng estado ay ang makatarungang pagbabayad o just compensation sa may-ari ng property.

Hindi po sinabi ng batas na kapag property ng religious leader ang tatamaan ay mayroon siyang “power to dictate.”

Kung yumuko ang estado sa isang Mike Velarde na walang ginawa kung hindi kasangkapanin ang Bibliya sa kanyang sariling interest, dapat ay ganyan din ang maging kaisipan ng gobyerno kapag ang isang Juanita dela Cruz ang nag-utos sa kanila na huwag sagasaan ng gagawing kalsada ang kanyang sari-sari store dahil ito rin ang proteksiyon ng kanyang sariling interest.

Sa pagsunod ng estado sa kapritso ng isang Velarde, nagpakita ito ng kahinaan na tingnan at itrato nang parehas ang kanyang mamamayan.

Kung gusto ng gobyero na maniwala tayo sa pag-iral ng parehas hustisya sa lahat, kailangang ipakulong nila si Velarde dahil sa pagiging sutil nito at pag-uutos sa walang isip na kalsada na lumiko!

allanpunglo[at]yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

4 thoughts on “Pulandit: Ipakulong si Brother Mike Velarde!

  1. tama ka po.. kung sino pa mga religious leaders sila pa mga “demonyo”. kawawa mga taga sunod.. kaya di na ko magtataka kung c villar sinusuportahan nito… nakinabang kc cya…

  2. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a DROOLING (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  3. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” OR “Noynoy psychiatric record” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may topak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  4. Tama ka Mr. Encarnacion, dapat ay managot si Mr. Velarde. Ang kanyang ginawa ay taliwas sa kanyang mga itinuturo. Ang kagaya ni Mr. Velarde ay isang HUWAD. Naway magising ang mga tao sa inasal na ito ni Mr. Velarde.

Leave a Reply

Your email address will not be published.