Ipakikita ang mansion! Blakdyak: Hindi ako naghihirap! – Ruben Marasigan

Hindi raw totoong miserable na ang buhay niya ngayon.  Ito ang kaagad na nilinaw ng singer at komedyanteng si Blakdyak  recently nang magawi kami sa Cowboy Grill sa Mabini kung saan regular siyang nagpe-perform kasama ang sariling banda niya.

Nagugulat nga raw siya kung bakit masyadong negative ang mga napapabalita about him sa ngayon.  Unang ikina-shock ni Blakdyak ay ang naisulat naming kuwento ng ilang taga-Olongapo City na madalas umano siyang nakikitang pagala-gala lang sa nasabing siyudad kung saan siya nagmula.  Palipat-lipat daw siya ng pakikipanuluyan sa mga kaibigan habang ang kanyang asawa’t anak ay bumalik sa poder ng in-laws niya dahil hindi na raw niya kayang suportahan pa.

“Talagang pagala-gala lang ako sa Olongapo kapag umuuwi ako roon,” aniya.  “Mahilig talaga akong maggala-gala kapag naroon ako.  Binibisita ko ‘yong mga dating kasamahan.  Binabalikan ko ‘yong dating mundo na kinalakihan ko at ‘yong simple at ordinaryong buhay na pinagmulan ko bago ako pumasok sa showbiz.

“Iyon siguro.  Nakikita akong palakad-lakad kung saan-saan.  Baka iba ang naging dating sa mga nakakakita sa akin na hindi naman ako kilala as a person.  Na akala, palabuy-laboy lang ako.

“Aminado naman ako, there was a time na naghirap talaga ako.  Panahon iyon na nalulong ako sa drugs.  Pero tapos na ‘yon.  Naging leksiyon iyon sa akin at patuloy lang ang aking pagbabagong-buhay ngayon.  Ipinangako kong hindi na mauulit ‘yong gano’ng chapter ng buhay ko.”

Hindi lang daw maintindihan nitong si Blakdyak kung bakit patuloy pa ring nagkakaroon ng mga negatibong usapin sa kanya.  Tatahi-tahimik lang daw siya pero ang hindi raw alam ng marami,  ilang taon na siyang nakabalik sa komportableng pamumuhay.  Mas higit pa raw asensadong masasabi ang buhay niya ngayon kumpara noong patok na patok ang kanyang novelty songs at maging ang ilang comedy films na tinampukan niya.

Meron nga raw siyang bagong album which will be launched soon, ang Blakdyak’s Tribe kung saan kasama niyang nag-record ng mga bagong novelty songs ang bandang kasa-kasama na niyang nagpe-perform kahit no’ng time na wala pa siya sa showbiz.

“Ako ang nag-produce nitong bagong album namin, huh!  Ganyan ba ang naghihirap?  Nakapagpo-produce ng album?” natawang biro pa ni Blakdyak.

Matagal man daw kasi siyang hindi visible sa sirkulasyon, patuloy naman daw siyang naging in-demand sa mga show hindi lang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya rin, and even abroad.

“Sa sipag at pagtitiyaga na raket nang raket hangga’t may offer kahit saan pa mang lugar ‘yan, awa ng Diyos, nakaipon at nakabangon ulit.”

Bukod sa pagiging in-demand pa rin sa mga show at concert, maganda rin ang takbo ngayon ng buy and sell shop niya ng kotse.  At kamakailan nga, kabibili lang daw niya ng bahay worth 7.5 million pesos.

Kung may mga nagdududa pa raw na hindi siya naghihirap talaga, wait until you see rito sa Pinoy Parazzi kung gaano ka-bigtime nga sa ngayon si Blakdyak.

Hindi lang ‘yong mala-palasyo niyang bahay at mga kotseng nakahilera sa showroom ng kanyang buy and sell car business ang ipapi-pictorial niya kundi ang lahat ng karangyaang ine-enjoy niya ngayon.

Kumbaga, it’s his best way to answer and prove na ang simple lang at animo’y dugyutin kung pumorma, big time pala talaga!

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Ipakikita ang mansion! Blakdyak: Hindi ako naghihirap! – Ruben Marasigan

  1. helloo po pwede po bang mahingi ang contact info sa blakdyak’s tribe?invite sanan namin sila for concert dito sa molave zamboanga del sur..txt me..0908955211 09173467955

  2. Good luck Blakdyak. I believe you. You are funny too. I hope someone hires you to appear in a comedy film. Natural kang komedyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published.