iPAD, hindi pa fully-paid? IC Mendoza, deadma na sa utang na 15k?!

PARANG HINDI KAMI makapaniwala sa nasagap naming tsika na may naiwan pang utang si  IC Mendoza  sa  executive producer ng isang show sa TV5.

Ang narinig namin, hindi pa fully-paid ang iPAD na kinuha ni IC sa EP ng Fantastik. May balance pa raw na natitira at hindi pa niya nababayaran hanggang ngayon.
Ang nakarating sa amin, kulang pa raw si IC ng P15,000 sa kanyang kinuhang hulugang iPAD. Patuloy pa rin daw siyang sini-singil pero deadma na raw ang young TV host.

Medyo naiinip na raw ang EP na kinunan ni IC dahil ang tagal na raw wala sa ere ng Fantastik at may bago na raw itong show na Hey! It’s Saberday pero until now ay hindi pa rin nababayaran ni IC ang kabuuan   ng kanyang kinuhang item.
At one time nga raw, dahil sa pangungulit sa kanya ay nag-text daw si IC na bayad na siya at may sobra pa.

Baka hindi lang nagkaintindihan ang dalawa. Maaari rin sigurong mag-accounting muna sila ng lahat ng hinulog ni IC para malaman nga kung fully-paid na siya o hindi pa.
NAG-RESHOOT DAW ANG Nasaan Ka, Elisa? ni Melissa Ricks. Ang dahilan? Masyadong kontro-bersiyal daw ang tema nito kaya naman pinalitan ang storyline.
Pero may nakarating din  sa  aming balita na hindi lang ito ang dahilan. Totoo nga bang nagreklamo si Albert Martinez dahil ilalagay ito sa panghapong timeslot. Nakasaad daw sa kontrata ni Albert na pawang primetime ang kanyang mga
soap opera kaya naman daw kinuwestiyon nito ang  desisyon ng Dos na ilagay ito sa afternoon slot.
Actually, major character ang ginagampanan ni Albert. Sa kanya iikot ang istorya dahil nga nawawala si Elisa (Melissa Ricks).

HINDI PALA HOSTING kundi pag-aartista ang hilig ng discovery ni Willie Revillame na si Imee Hart. Kaya naman laking tuwa nito nang makasama na siya sa season two ng Bagets together with the original cast members na sina AJ Muhlach, Josh Padilla, Aki Torio, Rico dela Paz, Nadine Lustre, Shy Carlos, Meg Imperial at Eula Caballero.
“Kinausap ako ni Boss Vic del Rosario at Ma’m Veronique del Rosario. Gusto nila mag-act ako ng age ko. Ang ganda ng offer nila. Sabi ko, “Oh, my gosh, this is my dream”,” tsika ni Imee na naging contestant ng Willing Willie noong fifteen
siya.

Nagpaalam naman si Imee sa kanyang Kuya Willie. “Kinausap ko po si Kuya Willie. Pumasok ako sa studio nandoon silang lahat. Nandu’n si Kuya. Lumapit ako kay Kuya. Parang teary-eyed siya. Parang naawa siya sa akin. “Kuya usap tayo. Pasok kami sa dressing room mo, ha.
“’O, kumusta ka na? kasi parang tatay-tatayan siya sa akin. Kuya, kinausap ako ni Boss Vic. Ang ganda ng offer niya sa akin. Gusto ko pong mag-acting. Sabi niya, “alam mo desisyon mo rin naman ‘yan, eh. Nandito ako susuporta. Kahit nakakontrata ka sa Will Productions, okay lang naman ‘yon, ililipat ka sa Viva”. Pumayag siya. Pero ako umiiyak.”

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

12 thoughts on “iPAD, hindi pa fully-paid? IC Mendoza, deadma na sa utang na 15k?!

  1. basta ako no1 ang juicy nakakatawa nakainis nakakimberyerna at least ndi plastik sila alin na nga ba dyan sa ibangf talk show puro mabait si ganon maganda si ganon…go go go juicy..

Leave a Reply

Your email address will not be published.