Inutil si Chairman?

TUNGHAYAN NATIN ANG isang e-mail na isinusumbong ang limang taon na niyang reklamo sa barangay na ayaw aksyunan ng kanilang chairman:

Dear Sir Raffy Tulfo,

Ako po ay taga-barangay 33 ng Maypajo, Caloocan City. Ang chairman na nakakasakop sa aming lugar ay si Greg del Rosario.

Ang aking sumbong ay tungkol sa iligal na basketball court na ipinatayo ng SK na may basbas ng aming punong barangay limang taon na po ang nakararaan. May mga reklamo na po akong alisin sa harapan ng aming bahay iyong basketball steel frame sa kadahilanang nagiging playground na po ang harapan ng aming bahay. Bukod pa rito, ito po ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan kapag sila ay inaawat o pinatitigil sa paglalaro ng bola. Madalas ay sila pa po ang nagagalit.

Itong inirereklamo ko po ay nasa looban ng Guido 3 St. na hindi naman kalakihan ang kalye.

May mga reklamo po ako in black and white na maaari ko pong ipakita sa inyo upang mabasa ninyo ang lahat ng mga inilahad kong reklamo, pati na rin ang lahat na naging problema na dulot ng basketball court na itinayo.

Inabot na po ng limang taon ang aking reklamo at nakatatlong termino na po ang aming punong barangay ngunit hindi pa rin po niya ginagawan ng aksyon o solusyon ang aking reklamo.

Naisip ko po tuloy na kaya nila binabalewa ang reklamo ko ay sa kadalihanang isang disabled person ako at kakayan-kayanin nila. Nahihirapan na po ako sa pagpapabalik-balik sa tanggapan ng aming barangay. Kapag kaharap po ako ay puro pangako at kuwento na kung paano niya gagawan ng aksyon ang aking naririnig. Pinaaasa niya po ako sa wala. Naisip ko tuloy na takot din po iyong aming barangay chairman at hindi niya kayang ipatupad ang mga lokal na ordinansa sa aming lugar.

Hindi ko na po alam ang aking gagawin dahil parang pinaiikot lamang nila ako, pati na rin po sa engineering sa aming city hall ay nagpadala na ako ng sulat dahil sa kawalan ng aksyon ng aming barangay. Ang pakiramdam ko po ay umiiwas sa responsibilidad ang aming chairman dahil maaari siyang masisi kapag inaksyunan niya ang aking reklamo.

Parang ang pakiramdam ko po ay takot din iyong iba namin kapitbahay na magreklamo lalo na iyong mga may-ari ng sasakyan. Nag-iisa lang po ako sa krusada kong ito dahil ako mismo ang pinakaapektado dahil nga po nasa harapan ko iyong laying area na sadya pong kay ingay, na dulot ng talbog ng bola.

Sana po matulungan n’yo po ako sa aking suliranin. Salamat po.

PARA SA E-MAIL sender, mangyari lamang ay muling mag-e-mail ka sa amin at ilakip ang iyong contact number. Isa sa mga staff ng espasyong ito ang tatawag sa iyo upang kumuha ng karagdagang impormasyon para mabigyan ng solusyon ang iyong hinaing.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, maaari rin kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o dili kaya sa 0908-87-TULFO. Ang action center ng inyong lingkod ay matatagpuan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe, Makati City. Ito ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula 10:00 am to 5:00 pm.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

5 thoughts on “Inutil si Chairman?

  1. Dito po sa eskinita namin lagi may nagkukumpulan at naglalaro ng tansing katulad ngaun na mag aala-una na ng madaling araw,wala man lang ginagawa ang baranggay tulad ng pagpapatupad ng curfew at mabagansya ang mga yun, abala kasi at nakakagising lalo na panay sa tapat namin,minsan pati mga aso ay sabay sabay nagtatahulan dahil sa ingay nila…sana my aksyon ang mga nanunungkulan sa brgy.33 maypajo, abala kasi at maingay,walang pakielam kahit sawayin.

  2. ang baranggay kapitan na ito ay si greg del rosario.dahil katwiran nya last term nya na ….wal la kaming magagawa…nag vote buying lang po ito kaya nanalo…maraming ghost project po ito sa sk at pati  mga computer na kinuha sa pondo ng sk,,,ayaw ibigay sa mga sk…

  3. nais din po naming ipabatid ang aming reklamo sa parehong baranggay kapitan,patungkol din sa panghihimasok sa affairs ng sk.lalo na sa supplier..tulungan nyo po kami…salamat

  4. sir,
    magandang araw po sa iyo, ako po ay si harvey seton 34 taon gulang at naninirahan sa 24 ipil-ipil st. purok 5 lower bicutan taguig city. nais ko po ipagharap ng reklamo si lewelyn rodriguez 29 taon gulang at nakatira sa blk 18 lot 12 narcissus street south green heights village muntinlupa city sa salang reckless imprudence resulting in damage of property. nangyari po ang insedente noong april 13, 2011 ganap na 3:30 ng hapon. ako po ay nagmamaneho at  binabagtas ang bayanan national road sa muntinlupa dahil mayroon po akong ihahahtid sa isang terminal ng bus na malapit sa starmall at katapat ng petron, bawal po ang mag-u-turn sa may tapat ng nestle corporation kung kaya ako po ay dumerecho at naghanap ng tamang lugar kung saan pwede ako mag-u-turn at para mas siguradong wala akong violation ay nagtanong ako sa isang traffic enforcer na si reynaldo dolleton at sinabi sa akin ang tamang pagikutan. nang ako ay iikot na at mag-uuturn 10 meters before the spot ay nagsignal na ako ng left signal at nag-execute ng uturn dahil alam ko na malayo pa ang distansya at may signal naman ako na ako nga ay kakaliwa at alam ko naman na clear na ang daan ko, mabagal pa ang takbo ko na nasa 25kph ng ako ay papasok na sa kabilang kalsada ay bigla na lang po dumating si lewelyn rodriguez na matuling minamaneho ang sasakyan ng kanyang ina na isuzu wfk-639 ay bumangga sa aking tamaraw fx ujy-791 na ako mismo ang nagmamaneho. sa lakas ng impact ay nadeform ang gitnang bahagi ng aking sasakya at nayupi ang pintuan. nagkaroon po ng pulis report at sinubukan kong makipag-ayos sa kanya tungkol sa nangyaring aksidente ngunit sya ay tumangging managot sa ngyari. hindi rin po kinuha ng pulis ang kanyang lisensya kahit na nagkaroon ng tiket sa mmda muntinlupa dahil kulang ang dala nyang papeles ng sasakyan at iyon ay ang original receipt. ang gusto nyang mangyari ay maghahati kami ng pagpapaayos ng aking sasakyan at maghahati rin kami ng pagpapaayos naman sa damage ng kanyang sasakyan dahil nga sa kanyang pagkakabangga sa akin.
    napilitan po ako na magfile ng complaint sa fiscal ng muntinlupa at ibinigay ko ang kaukulang requirements sa pag-file ng demanda at ang sabi sa akin ng front desk officer ng fiscal ay maghintay daw po ako hanggang 3 linggo bago mag-issue ng subpoena upang kami ay magharap at pagusapan ng formal ang aking reklamo, ngunit nakalipas na po ang isang buwan ay wala pa ring ngyayaring imbitasyon galing sa fiscal ng muntinlupa. nagpasya po ako na pumunta at i-follow up ang aking demanda. ng nagtanong ako sa front officer ay wala daw ako case number kaya daw wala akong subpeona ngunit ng ipinakita ko ang aking kopya ay duon pa lang naisulat ang record at pinapunta ako sa 3rd floor kay janis na isang clerk sa admin office ng fiscal, pagkatapos ay pinababa ako ni janis kay malou na secretary ni prosecutor kirk anonas na syang naka-assign sa aking reklamo, ang mismong prosecutor ang aking nakausap at ang kanyang sabi ay hindi na daw kailangan na ako ay makatanggap ng subpeona maging ang respondent dahil ang reklamo ay hindi naman daw ganoong kabigat. at pinalalabas na mali ang aking ginawa sa ngyaring banggaan dahil bawal daw doon ang mag-uturn, dapat daw po sana ay kinausap ko na ng maaga ang respondent upang naareglo, maghintay na lang daw ako  ng desisyon ng judge kung ang aking reklamo ay iaakyat sa korte o kanilang ididismiss at hindi  na raw kailangan na kami ay magharap pa ng respondent, naramdaman ko po na mukhang may impluwensya si lewelyn rodriguez sa munisipyo ng muntinlupa at ako po ay hindi pinansin o binigyang halaga sa aking reklamo kaya ako ay hindi na nagtiwala sa paghingi ng katarungan sa nangyari sa akin sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko po alam ang aking gagawin upang harapin ni lewelyn ang kanyang ginawang aksidente.
    ako po ay humihingi ng tulong sa inyo dahil alam ko po na kayo lang ang maari kong malapitan at mabigyan ako ng katarungan sa maling hustisya ng ating bansa at ang pang-aabuso ng ibang kababayan na nang-aapi sa mga maliit na mamayan na kagaya ko, sana po ay mabiyan nyo ako ng kaukulang pansin at solusyon sa aking suliranin. maraming salamat po..
    harvey seton

Leave a Reply

Your email address will not be published.