Inutas na Pulis na Nagbabantay ng PCOS, Pararangalan

NAKATAKDANG TUMANGGAP ng posthumous award ang pulis na nasawi sa kalagitnaan ng pagbabantay sa precinct count optical scan (PCOS) machine, ilang araw bago ang halalan sa Barangay Calingatnan, Borongan City sa Samar.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-8, media relations officer P/Insp. Romuel Nacar, inangat nila ang ranggo ni PO1 Jericho Afable upang mas maraming benepisyo ang kanyang makuha dahil sa ginawa nitong matagumpay na pagbantay sa PCOS machine sa nasabing  barangay.

Kamakailan ay inilagay sa half mast ang watawat sa Borongan PNP bilang pagbibigay pugay sa pagkamatay ni Afable.

Maaalala na ilang araw bago ang eleksyon ay nabaril si Afable ng apat na mga suspek na pinaniniwalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Samantala, hinihintay ng PRO-8 kung ano ang desisyon kay P/SSupt. Cleve Tabuso na na-relieve sa puwesto bilang city director ng Tacloban City Police Office (TCPO) dahil sa pagiging partisan nito noong nakaraang eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.