Inulan ng bala sa tagayan Kelot, Todas; Parak at Bebot, Kritikal

HINDI UMABOT ng Undas ang isang 41-anyos na lalaki habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan, na kinabibilangan ng isang pulis, makaraang paulanan ang mga ito ng bala ng baril ng dalawang hindi nakikilalang mga suspek habang ang mga ito ay nag-iinuman sa Caloocan kamakalawa ng gabi

Dead on arrival sa Novaliches General Hospital sa Quezon City si Michael Pacheco, may live-in partner, ng Block 12, Lot 32, Phase 3, Tierra Nova, Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang ino-obserbahan sa East Avenue Medical Center sina PO1 Rhoy Telles, nakatalaga sa Caloocan PNP at Maricris Palomo, 35, mga kapitbahay ng napatay na si Pacheco.

Sa ulat ni PO2 Alcee Clemente Jumacquio, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa ikalawang palapag ng bahay ng biktimang si PO1 Telles dakong alas-10 ng gabi.

Nabatid, kasalukuyang nag-tatagayan ng alak ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek na pawang armado ng kalibre .45 baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Ang mga biktima ay mabilis ding dinala sa Novalices General Hospital, kung saan ang biktimang si Pacheco ay idineklarang dead on arrival, habang ang dalawa pang biktima ay agad namang inilipat sa EAMC sanhi ng masamang kalagayan.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-operation ang mga awtoridad para ma-kilala ang dalawang suspek at malaman din kung ano ang tunay na motibo sa likod ng nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.