Intsik, Todas sa Hold-Up

BIGONG MAILIGTAS ng mga doktor sa Rogaciano Memorial Hospital ang isang negosyanteng Intsik, matapos itong magtamo ng dalawang tama ng bala mula sa calibre .45 na baril ng isa sa tatlong mga holdaper sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang nasawing biktima na si Willy Tan, alyas Chen, 40-anyos, ng Brgy. Buenavista sa nabanggit na bayan. Samantala, kinilala naman ang isa sa tatlong suspek na si Ronan Gabriel Y Drio, residente sa Bocaue.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1:00 ng hapon nang maganap ang panghoholdap sa biktima.

Nabatid na bumaba ng sasakyan si Tan at nagpunta sa isang hardware para kausapin ang kapwa nito negosyante. Subalit ilang minuto pa lamang ang nakalilipas, dalawang lalaki ang nagpanggap na costumer sabay deklara ng hold-up. Dahil sa takot, tumakbo ang biktima papalayo subalit binaril ito ng ilang beses at kinuha ang P40,000 cash at tatlong cellphone na pag-aari naman ng isang Joey Lu.

Nakilala ang isa sa mga salarin via photo gallery ng PNP, na sangkot sa Robbery Hold-Up at Robbery Extortion sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

Ayon naman kay P/Sr. Insp. Joesph Perdido ng Bulacan Crime Laboratory, dalawang basyo ng cal. 45 at dalawang slug ng cal.45 ang kanilang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala patuloy naman na nagsasagawa ng palo-up operation ang mga awtoridad hinggil sa naturang pamamaslang.

 (TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.