Intsik, ninakawan ng empleyado ng P.7-M

 

TUGIS NGAYON NG mga awtoridad ang isang empleyado ng junkshop kasama ang lima pa matapos pagnakawan ang kanyang amo ng copper wire na aabot sa halagang P700,000 kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City .

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Junel Canabe, nasa hustong gulang at empleyado ng WOB Junkshop na pag-aari ng isang Carlos Uy at matatagpuan sa M. Gregorio St., Brgy. Canumay West ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng junkshop na pag-aari ni Uy.

Ayon sa naging salaysay ng caretaker ng junkshop na si Huang Chi, dumating ang suspek sa kanilang lugar at makalipas ang ilang minuto ay kasunod na nito ang lima pang hindi nakilalang kalalakihan.

Agad na kinaladkad ng mga ito si Chi at dinala sa palikuran saka itinali at ikinulong habang mabilis na isinakay ng mga suspek ang copper wire sa dalang sasakyan ng mga ito na Isuzu closed van (RDS-258).

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.