Intsik, Arestado sa Gun Ban

ISANG CHINESE ang nadagdag sa humahabang listahan ng mga nahuhuli dahil sa umiiral na election gun ban.

Inaresto si XianQian Li alyas Joey Li sa parking area ng Resorts Casino, New Port City, Pasay City magha-ha-tinggabi kamakalawa ng gabi.

Narekober sa natu-rang dayuhan ang isang 9mm pistol at mga bala.

Sinabi ni Southern Police District (SPD) director Benito Estipona na may nakapagtimbre sa Pasay Police na la-ging nagdadala ng baril ang nasabing Intsik kapag pumupunta sa casino kaya nang dumaan sa valet parking ay sinita ito at nakuhanan nga ng baril.

Inaasahan namang madadagdagan pa ang kaso nito dahil naka-rekober din sa kanya ng isang plastic sachet na may hinihinalang iligal na droga.

Samantala, isinampa na kahapon ng Pasay City Police ang kasong paglabag sa election gun ban habang hinihintay ang resulta ng crime laboratory sa nakuhang plastic sachet para sa ibang kaso nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.