Introducing: Max Collins

ISA SA mga fresh discoveries noon ng Wowowee bago ito natsugi sa ere ay ang Fil-Am teenstar na si Isabelle Abiera. Dahil sa kanyang pa-demure image, maraming barako ang nagtiyagang manood ng noontime show masilayan lamang ang kanyang ganda. Sumabak din ito sa aktingan bilang isa sa kontrabida ni Empress Schuck sa Rosalka dalawang taon na ang nakararaan at may special participation din ito sa Precious Hearts Romances pre-sents Alyna.

Bigla na lang nawala ito sa showbiz na parang bula. Where did she go?

Isabelle Abiera is back in the scene, but with a different name. Max Collins na ang bagong screen name ng dating Star Magic talent at ngayon ay nasa bakuran na ng GMA-7. Sa katunayan nga, pasok ito sa bagong panghapong seryeng

The Good Daughter bilang Ziri Claustro, isang mabait na babae na kalauna’y manggugulo sa tambalang Rocco Nacino at Kylie Padilla.

Sa pansamantalang pag-alis ni Max sa showbiz ay pumunta muna ito sa Amerika para mag-isip. Ang showbiz nga ba ang mundo na gusto niyang galawan? Kahit na baguhan pa lamang ito noon ay may mga boylets na rin na nali-link sa kanya. Wala pa namang nakumpirma na naging boyfriend nito, pero aminado naman siya na may mga nanliligaw sa kanya – mula sa iba’t ibang networks pa! Ikaw na ang talented sa networking ‘teh, huh?!

Ngayon na isa nang ganap na Kapuso si Max Collins, sa tingin niyo ba’y mahahasa ang kanyang acting skills o will she end up just being a pretty face?

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.