Interview with Sizzling Hot Andrea Del Rosario

WHOA! MEDYO MATATAGALAN ‘ata ang init. Sana ‘wag na naman, malakihang pagbaha ang kasunod nito. Bakit ‘kamo? Naks grabeh! Napinsala ng bagyong Ondoy ang ating mga aria-arian kaya hanggang ngayon, malaki pa rin ang epekto sa ating mga kababayan. Panalangin at diskarte lang marahil. Kunsabagay, diyan naman maasahan ang mga Pinoy. Ha-ha!

At sa tag-init, marami rin ang maiinit ang ulo. Mga isyung pampamilya, ng pangkapaligiran, ng pampulitika – talaga namang mainit na mainit.

Pero ayon sa ating nakagawian, malamig din na tubig ang kailangan para mawala ang uhaw. Ako ‘pag naliligo, ‘pag sira ang water heater, ‘yung yelo or galing sa refrigerator. Naks, solve na! Ihalo ba naman sa maligamgam na tubig na gawa na rin ng init, ayun, presto! ‘Pag dumampi sa katawan mo parang nasa preskong lugar ka na maganda ang pakiramdam. Nyaks, huh!

EXTREMELY HOT

WELL! NAPAG-UUSAPAN ‘YUNG mainit, s’yempre may malamig din. Malamig din ba ang career nitong si Andrea del Rosario? Eh, kung malamig, painitin natin, as in sizzling hooooot! Teka para malaman natin kung talagang hot nga ba naman eh, isa siya sa mga naging miyembro ng tinaguriang “Hot Babes”.

At ating naka one-one interview nga si Andrea. Dati siyang ABS-CBN talent, nakasama rin siya sa Palibhasa Lalaki, MTB, ASAP, Attagirl at ang huli ay sa Gulong ng Palad. Siyempre pa, nagbida na rin siya sa pelikulang Lupe, tungkol sa isang asawa ng seaman ang kuwento.

Ano, mainit nga ba? Ha-ha! ‘Eto pa, nabalitaan ba ninyong nag-topless siya sa isang beach sa Spain? ‘Eto pa ang kuwento, ayaw raw niyang patalbog sa mga naiinitang bebot sa beach na naglalaro ng badminton at volleyball. At ayon sa kanya, mas komportable ang topless, dahil pakiramdam niya, libre siya habang naglalaro ng badminton.

Kunsabagay, wala namang pakialam ang mga tao sa mga bansang mauunlad kung hubad man sila sa ibabaw ng lupapagdating sa beach. As in walang malisya. Sa isip nga lang naman ‘yan mga ka-tsoka. ‘Wag lang mapasyal nang hubad do’n mga Noypi na maiinit hehe… halata ka, Manoy!

Naks din, ah! Karaniwan na nga ang ganya sa bansang katulad ng Spain, eh! Pero iisa lang ang masasabi natin, isa siya sa mga hottest na Filipina celebrities sa ating bansa. Trabaho lang marahil ‘yan. Ano, bitin ba tayo?

USAPANG SERYOSO

‘Eto na ang usapan namin para naman malaman natin ang side niya.

Maestro:  Andrea, bago ka naging artista, anong pangarap mo talaga?

Andrea: Ha-ha-ha! Makatapos ng pag-aaral?

Naks! May pangarap naman siya, ‘di ba?

Maestro: Paano ka natuklasan bago ka naging artista?

Andrea: Ayun, sa una, pa-extra-extra lang hanggang sa tuluy-tuloy na…

Maestro: Bale, nakailang pelikula ka na at palabas sa TV?

Andrea: Ah, medyo marami na po.

Maestro: Ah, bale, ano ang natapos mo? Saan ka nag-aral?

Andrea: Ah, bale sa foreign school, I took up advertising.

BUNTIS NA ISYU

Kamakailan lang ay inamin ni Andrea sa isang TV talk show na siya ay buntis sa isang businessman (asawa ‘ata niya). Maestro: Bale malaki ba ang naitulong ng pagiging artista sa life mo?

Andrea: Of course… I met a lot of people.

Maestro: Financially?

Andrea: Yes, ok lang naman siya.

Maestro: Anong hobby mo?

Andrea: My hobby would probably be photography and I’m into sports…

Maestro: Huh, ang galing! At ang kanyang Ina, isang plain housewife at ito ay isa nang biyuda. At kuwidaw may business silang internet cafe sa Pampanga.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.