Interview: Wendell Ramos

Wendell Ramos: Hunk in bow tie and in skimpy boxer shorts

Funny gang member ang iguguhit natin ngayon sa canvas. Isang macho na nakasuot ng bow tie pero naka-shorts nga lang. Anaah? Walang pantalon? Iwww! Who’s that man?

0oops, sikat siya, ah. Patawa ka at nakakurbata ka pa? “Ah ‘yun sa Sexballs ‘yun.” Kumusta ang chickabebs mo?  “Ah, madami, ang dami nila, eh, mahirap. Hahaha!” Wow gigolo!

Ayon sa kanya, meron na siyang nine-years old na anak at isa siyang dalagang ama. At sa karanasan hindi ka naman madamot niyan?  “Hindi naman, kasi medyo mahirap magpalaki ng asawa. Hehehe!”

Ah, sabagay tama ka diyan, ‘di mo naman kaanu-ano ‘yun. “Iisipin ko na lang ang anak ko.” Ano ang sabi ng anak mo sa comedy mo? “Ah, OK naman, tuwang-tuwa siya, ginagaya pa niya.” Ano bida ka sa anak mo, ‘no? “Oo naman. Naghahanap nga siya ng nanay, eh.” Uy, grabeh, huh, ano kayo d’yan? Volunteer na! Alamin kung ano talaga ang taste ng mag-ama.

Ayon kay Wendell, “Minsan ang game namin, kapag tumitingin kami sa mga babae, tatanungin ko siya, anak, ano, OK ba ‘yun?”

Ay, oo, una naniniwala pa sa ‘yo ‘yan. Katulad ko, ama ako, sabi ko, ‘yan si Hulk Hogan, ako ang nagturo d’yan. Hah, oo, sabi nila ngayon, hay, napaikot ako ng daddy ko.

Anak si Wendel Xavier Ramos ng kanyang nanay na taga-Bicol at tatay na taga-Pangasinan. Tungkol naman sa kanyang show na Bubble Gang ng GMA-7, heto ang masasabi niya, “These are kinds of things na mare-relax ka, stress-free na work ‘yun. Sa Bubble Gang laging masaya, natatawa ka na, kumikita ka pa. You enhance your craft every week, natututo ka ng mga jokes. ‘Yan kina Ogie, sa mga director. Ang mga adlibs, mas binibigyan mo ng buhay.” Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.