Interview: Mark Bautista

Mark Bautista, isang bagong tuklas sa mundo ng pag-arte na una nang nakilala sa husay sa pagkanta.

Mark, ano ang mga bagay na alam mo kung ikaw ay ipipinta sa canvas? “Ako hindi kasi ako magimik na tao, kaya kapag wala akong ginagawa, ‘pag may time ako, hindi alam ng lahat na nagpe-paint ako, ah dahil siguro I took up Architecture when I was in college, kaya nahiligan kong mag-drawing nagta-try din akong mag-sketch, I do mga caricature.”

Ano iyong favorite subject mo? “Ako, sobrang napa-fascinate lang ako sa sunset, beach, simple lang natutuwa na ako sa ganun.” Noong maliit ka ba you used to act sa harap ng salamin? “Hindi nga eh, noong maliit ako mas singer ako, kumakanta talaga ako sa mga party, kapag may mga family gathering, pero iyong acting, noong high school na ako. Actually na-convince lang ako ng mga barkada na sumali ng workshops ganyan, iyon nagtuloy-tuloy na nagustuhan ko rin ang pag-arte at pagsayaw.

Noong ma-interview ko si Mark, kasalukuyan siyang nagpo-promote ng movie niya under GMA Films na Sundo na ayon sa sources ay ipinagpaalam pa sa ABS-CBN.

Talagang controversial itong si Mark lalo na nang recently ma-link siya with Rufa Mae Quinto. Huh…

Anyways, ang isang mahusay na artista ayon nga sa aking paniniwala ay born pero ngayon, puwede mo nang i-develop. Puwede? Ito ay dahil nakita ko na ang performance ni Mark sa drama, comedy at itong sa pelikulang Sundo ay suspense-horror naman.

Have you ever dreamed of having acting awards? “Sana talaga, kasi dream iyan ng isang actor or aktres, sana makahawak din ako ng award kahit support, maganda iyong best actor talaga!”

Kaya sa ating Man from the Province Mark Bautista na natagpuan ang kanyang angking galing sa showbiz, kudos! Go go… in to your good dreams. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

by Master Orobia

loading...

One thought on “Interview: Mark Bautista

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #49

Leave a Reply

Your email address will not be published.