Internet Café, Nilooban; P200K, Natangay sa Customer, 1 Pa Sugatan

UMAABOT SA mahigit P200,000 at $100 ang natangay mula sa isang bakasyunista habang nasugatan naman ang menor de edad nang mamaril ang salarin sa loob ng internet cafe na matatagpuan sa Barangay Antonino bayan ng Balaoan, La Union kamakailan.

Nakilala ang nasabing  biktima na si Antonio Manuel, 29, Barangay Maliba-ug, Pampanga at Darren Villoria, 14, ng Barangay Cabu-an sa naturang bayan.

Base sa pagsisiyasat ng Balaoan Municipal Police Station, nagtungo umano si Manuel sa internet cafe kung saan naroon din ang menor de edad.

Napag-alaman rin na habang nagko-computer si Manuel ay pumasok ang hindi nakilalang sa-larin sabay suntok sa una kasabay ng paghablot sa bag nito.

Lumaban din umano si Manuel ngunit hindi na nakapalag nang bumubot ng baril ang suspek sabay putok nito kung saan natamaan ng basag na salamin ang hita ng binatilyo na agad itinakbo sa pagamutan.

Agad namang tumakas ang kawatan bitbit ang bag na sumakay sa isang motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan.

Narekober din  sa pinangyarihan ng krimen ang isang empty shell mula sa cal. .45 at holster.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.