Internet Café, Ni-Ransack

TINATAYANG AABOT sa mahigit sa P300,000 halaga ng mga computer set ang natangay ng mga kawatan nang umatake ang mga ito sa isang internet café sa Brgy. Paltao, Pulilan, Bulacan.

Sa ulat na nakara-ting sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang biktimang si Erneo Lopez, 50 anyos, negosyante, at residente ng Villa Prescilla Subd., Brgy. Cut-cut sa nabanggit na bayan.

Base sa insiyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubreng bukas na ang roll-up ng internet shop na EDSS internet café.

Nabatid na nilimas ng mga mag-nanakaw ang lahat ng desktop computer set at iba’t ibang mga mahahalagang gamit ng shop.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbes-tigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.

(TONY DELA PEÑA)  

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.