International Aid sa Pablo Victim, Umabot na sa P666-M

WALANG TIGIL pa rin ang buhos ng tulong sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa at mga organisasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Pablo sa Mindanao.

Sa report ni Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez sa Department of Foreign Affairs (DFA), nangako ng 10 milyong yen o katumbas ng P5 milyon ang isang pribadong kumpanya sa Japan, ang Marubeni Corporation.

Ang naturang kumpanya ay may mga proyekto sa Pilipinas sa power-energy, transportation, real estate, water at iba pa.

Sa tala ng DFA, umabot na sa halos P666 milyong financial assistance ang natanggap ng Pilipinas mula sa international community habang patuloy naman ang pagdagsa ng mga material donation upang muling makabangon ang mga residente sa Mindanao na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Pablo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.