Intensyon ni Xian Lim kay Kim Chiu, pinagdududahan?!

ISA SA mga kinakikiligang loveteams ngayon ay ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim sa My Binondo Girl. Kim plays Jade who pretends to be her deceased brother to gain her father’s love. Pinakasalan niya si Andy (Xian) to regain control of Twin Dragon Express pero siyempre hindi maiiwasan na magkagustuhan ang dalawa.

Iyong pamangkin nga ng isa kong kaibigan ay gabi-gabing inaabangan ang My Binondo Girl dahil super kinikilig siya kina Kim at Xian lalo na roon sa kissing scene ng dalawa. Iyong mga eksenang may selosan, yakapan, hawakan ng kamay at titigan sa mata ay patok din sa mga fans. Talagang may mga taong nakakakilig panoorin na magkasama onscreen because they look good together and they have great chemistry. At kabilang ang tambalan nina Kim at Xian dito. Kaya nga marami rin ang umaasa na sana ay magkatuluyan sila sa totoong buhay.

Malapit nang magtapos ang series pero hindi dapat malungkot ang mga fans dahil may balitang magkakaroon ng isang malaking proyekto sina Kim at Xian.

2011 was a memorable year for the actor. “My highlight would be My Binondo Girl. Kasi talagang everything changed when I did the soap. I became Andy, I gained new friends. I met Kim, I’ve come to know her better,” sabi niya when he was interviewed by Kris (Aquino) on KrisTV.

According to an article from abs-cbnNEWS.com ay sinabi ni Kris na sana ay patuloy na alagaan ni Xian si Kim. Kris and Kim became close actors after starring together on Kung Tayo’y Magkakalayo. Kris enthused, “I feel so protective of her kasi. For me, I saw her at her most wounded, when she was heartbroken iyong parang ibon na naputulan ng isang pakpak tapos parang learning lang to slowly fly again. At sa iyo ko siya nakita ngayon na ngumingiti. That’s so major for me. You just don’t know how much I’m praying for the success of My Binondo Girl because I wanted her to be able to stand up not as part of a loveteam but to be Kim because I love her so much. So be good to her, alagaan mo, ha? So para talaga akong nanay ni Kim na naghahabilin sa iyo.”

Inamin naman ni Xian na hindi madaling ligawan si Kim lalo na kapag may mga taong nagdududa sa kanyang totoong intensyon. “Of course it hurts a lot. I mean well. Wala naman sa aking nagsasabi na gawin mo ito or that. I’m just here. I’m just enjoying every moment with her. Kung sinabi mo na para siyang naputulan ng pakpak, eh ‘di ako na lang iyong pakpak na iyon para sa kanya. Habang ‘di pa nagre-recover ang pakpak na ‘yon, I’m willing to be that pakpak right now,” he shot back.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleImburnal
Next articleDahil daw sa pride Vice Ganda, ‘di handang makipagbati kay Ai-Ai delas Alas?!

No posts to display