Intel officer, patay sa ambush

TINAMBANGAN AT NAPATAY ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang isang intelligence officer ng Batangas Provincial Police Office, kahapon.

Kinilala ni Sr. Supt Rosauro Acio, director ng Batangas Police ang biktima na si Supt. Rodney Ramirez.

Naganap ang pananambang sa Barangay Lutong sa bayan ng Lemery, bago mag-alas-10 ng umaga.

Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang opisyal. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(EUNICE CALMA)

 

Salvage victim, natagpuan sa Cavite

 

ISANG BIKTIMA NG salvage ang natagpuan, sa Bacoor, Cavite, kahapon ng umaga.

Itinapon ang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki sa madamong bahagi ng Molino Boulevard, sa Barangay Niog III sa naturang bayan.

Nakabalot ang ulo nito ng packaging tape at kapwa nakagapos ang mga kamay at paa.

Tinaya sa 30 ang edad ng biktima na nakasuot ng puting t-shirt at dilaw na short pants.

Natagpuan din ang karatula na may nakasulat na mga katagang “Magnanakaw ako, holdaper… huwag ninyo akong tularan. Utol kayo na ang susunod”. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.