Intel ng PDEA, tiklo sa Parak

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Hindi na nagawang makatakas pa sa mga tutugis na tauhan ng Provincial Public Safety Company ang isang lalaki na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Unit makaraang bumaba ang apat na Warrant of Arrest mula sa Nueva Ecija Regional Trial Court at Municipal Trial Court ng Cabanatuan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Alan Okubo, hepe ng PPSC, kay Nueva Ecija Provincial PNP Director P/SSupt. Roberto Aliggayu, kinilala ang nadakip na suspek na si Sherwin Holgado, 32 anyos, residente ng Christian Ville Subd., Brgy, Abar-1st sa lungsod na ito.

Base sa inisyal na report ni P/Inspector Alexander Reyes, dinakip nila ang suspek sa kasong Robbery at Grave Coercion na involved sa kaso ng Droga,bukod pa ang mga pending Warrant of Arrest mula sa Science City of Muñoz, at karatig bayan.

Nabatid na matagal nang wanted sa batas ang suspek, simula Abril 29, Mayo 16, July 12 at July 18, RTC Branch-27 sa sala ni Judge Angelo Perez sa kasong Failure to Attend Hearing, RTC Br-25 sa kasong Robbery sa sala ni Judge Teresita Cativo, at MTCC Br-1 sa sala ni judge Ana Marie Joson-Viterbo sa kasong Grave Coercion, kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansalamantalang kalayaan nito.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa NEPPO Detention Cell.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.