Insurance Ng Election Workers, Pasado Na Sa Kongreso

NAKAPASA NA sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bill na nagbibigay ng proteksyon at insurance sa elections officials at mga mangagawa nito sa bawat lokal at nasyunal na halalan.

Pinangunahan ni A-

Teacher party-list Congresswoman Juliet Cortuna ang pagpasa ng House Bill No. 6528 na naglalayong bigyang ng compulsary insurance ang bawat miyembro ng board od elections inspector, special board of election inspectors, the board elections teller at ang kanilang support staff sa bawat national at lokal na halalan sa bansa.

Ang compulsary insurance sa mga elections officers at staff nito ay bahagi ng pagkilala ng estado sa kanilang dedikasyon na maidaos ang halalan sa maayos at matiwasay na pamamaraan kabilang na rin dito ang pagkabingit sa kamatayan ng kanilang mga mangagawa at ilang opisyal ng bawat halalan.

Nakasaad sa panukalang batas na makatatangap ng 200 libong piso bilang death benefits ang apektadong pamilya at ito ay sa unang taon ng pagpa-patupad ng panukalang batas. Kasama sa nabanggit na insurance ang free hospitalization at medical expenses ng mga sugatang manggagawa ng Comelec.

Idinagdag pa ni Cortuna na ang mga opisyal at mangagawa ng halalan ay maaari lamang mapasailalim sa coverage in compulsary insurance sa pagsisimula ng halalan hangang sa itinakdang pagtatapos nito. Hindi na ibibilang ang ilang pagkakasangkot ng election workers sa mga kaguluhan kung pormal nang nagtapos ang period of election.

(FERDIE JAVINES)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.