Instant Raket sa Kapulisan

0922-828xxxx – Kamusta po, Boss Raffy? Isa po akong concerned citizen na gustong mag-report sa inyo na may mga nangongotong po rito sa lugar namin tuwing umaga. Ang nakalulungkot ay ang mga pulis-Caloocan na may body number N159 with plate number SHV 116. Dito po sa C-3, Caloocan talamak na sila. Hindi naman po sila nagtse-checkpoint. Nasa loob lang sila ng patrol at kapag may dumaan, binubusinahan lang nila tapos bababa na ang pahinante para iabot ang pera sa kanila. Ganu’n po sila kadali makapangotong kaya kawawa naman ang mga truck driver. Sana mahinto na sila sa ganitong mga gawain at pagtuunan na lang nila ng pansin ang mga masasamang loob na gumagala sa aming lugar. Maraming salamat po!

 

0947-175xxxx – Good day po, Idol Raffy Tulfo! Isumbong ko lang po iyong tinayong kubo at inuman dito mismo sa basketball court namin. Hindi po kasi kayang ipatanggal ng aming kapitan iyong kubo sa palaruan namin. Halos sakupin na po niya ang buong basketball court. Sana po ay mapaalis na iyong istorbong kubo rito sa amin pati tuloy iyong mga kabataan dito halos ‘di na makapaglaro dahil sumikip na ang palaruan namin. Ang owner po ng kubo ay si Benjie Esteban na matatagpuan sa Tomas Pinpin St., corner Unang Hakbang, Brgy. Sto. Niño, Santol, Quezon City. Salamat po at malaki po ang tiwala namin sa inyo, Idol, na maaaksyunan ninyo ang problema namin dito.

 

0928-323xxxx – Isang magandang araw po sa inyo, Mr. Tulfo! Nais ko lang po ilapit sa inyo na rito sa Amadeo Elementary School, pinanonood sa SM ng sine ang mga estudyante ng mga teachers ng Grades 1 to 6. P200 ang bayad at kapag hindi sumama, binibigyan ng maraming mahihirap na project na mas mahal pa sa P200. Kaya napipilitan kaming mga magulang na magbayad para ‘di bumagsak ang aming mga anak. Sana masilip po ito ng DepEd para matigil na ang ganitong sistema nila. Salamat po, Sir!

 

0933-330xxxx – Hi Sir Raffy, magandang araw po! Concerned citizen lang po ako at sana pakisilip ninyo ang mga colorom na bumibiyahe riyan sa MRT North Edsa na puro van pa. Akala ko po kasi mahigpit ang kampanya ng LTO at MMDA pagdating sa mga colorum. Marami  po sila riyan sa MRT biyaheng Megamall. Ang masaklap pa, mismong mga pulis at MMDA traffic enforcers pa ang mga driver niyan. Salamat po sa pagtugon!

 

0933-944xxxx – Good day po, Sir Raffy! Hingi lang po sana ako ng tulong sa inyo tungkol po sa pagkakamali ng taga-Local Civil Registrar dito sa Pasig. Nagkamali po ng isang letra ang marriage certificate namin. Pagdating sa NSO, magbabayad daw po uli ako ng mahigit P1,000. Sana matulungan ninyo po ako. Salamat po nang marami!

 

096655604xxxx – Magandang araw sa inyo Sir Raffy, at sa lahat ng bumubuo ng WANTED SA RADYO! Isa po akong OFW at nais ko sanang humingi ng tulong. 26 yrs. na ako sa kumpanya namin kaso pinakulong ako dahil sa pinag-deliver po ako ng aming salesman sa isa na-

ming customer. Nang makaalis na ko, binenta niya sa iba tapos tumakas. Isa po siyang Egyptian. Ngayon, isang taon na akong nakakulong. Tinawagan ko naman ang ating embassy, sabi wala raw silang magagawa para sa sinapit ko. Ano po ang dapat kong gawin, Sir? Sana matulungan ninyo po ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Maraming salamat po!

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.