Insentibo sa labor day, asa pa

WALANG MAIPANGAKONG monetary incentive ang gobyerno para sa mga manggagawa sa darating na Labor Day sa Mayo 1.

Sa ginanap na 2nd Ministerial Meeting ng Abu Dhabi Dialogue, sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na bahala na ang regional wage boards sa usapin ng umento sa sahod.

May mga non-wage benefits naman aniya na sinisikap na ipagkaloob ng gobyerno, ayon kay Baldoz.

Kabilang umano rito ay ang pagtugon sa problemang kaakibat ng contractualization.

Mayroon din aniyang jobs fair para sa mga walang trabaho at mga bagong nagsipagtapos sa kolehiyo.

Samantala, sinabi pa rin ni Baldoz na mag-uusap pa ang economic managers ng Pangulo para tingnan ang mga posibleng dagdag-benepisyo para sa mga manggagawa sa darating na Labor Day.

Mahigit sa 100,000 mga trabaho na local at overseas ang iaalok ng may 300 mga employers sa gagawing Job and Livelihood Fair ng DOLE sa May 1.

Ang nasabing job fair ay gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City.

“This activity is open to all jobseekers, new graduates, returning and displaced OFWs, and other interested Filipinos. The POEA has lined up the participation of some 100 licensed private recruitment agencies, 75 of them land-based and 25 sea-based”, ani Baldoz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.