Insecure!

NOONG BIYERNES, JANUARY 14, 2011, nakapanayam ng inyong SHOOTING RANGE sa programang WANTED SA RADYO si Customs Commissioner Angelito Alvarez. Sa panayam na iyon, naitanong ko kay Alvarez kung ano ang maaaring dahilan kung bakit magsisialisan ang mga brokers sa isang pier at ililipat nila ang kanilang mga kargamento sa kabilang pier.

Kaya ko naitanong iyon ay sapagkat may mga nakarating na impormasyon sa inyong SHOOTING RANGE na nagsisilipatan ang mga brokers at importers a.k.a players sa Port of Manila (PoM) mula sa Manila International Container Port (MCIP).

Sinabi ni Alvarez na magaling lang daw siguro sa PR ang mga namumuno sa nilipatang pier. Halos malaglag ako sa aking kinauupuan sa kanyang sagot. Parang ibig palabasin ni Alvarez sa sinabi niyang iyon na hindi maganda ang PR ni MICP District Collector na si Ricardo “Boysie” Belmonte kaya siya iniiwanan ng mga players.

Unang-una, bagama’t hindi ko kilala si Belmonte at ni minsan ay hindi ko pa ito nakakaharap o nakakausap, masasabi kong magaling ang PR ng taong ito. Maraming mga impormasyon ang nakarating sa inyong SHOOTING RANGE na isa si Belmonte sa mga epektibong opisyales ng Bureau of Customs (BoC).

Patunay rito ay noong siya ang naging District Collector ng Port of Cebu noong mga nakaraang taon, kung saan palagi niyang naa-attain ang kanyang target revenue at madalas pa nga ay nagkakaroon pa siya ng surplus. Ito ba ang matatawag mong hindi marunong makitungo sa mga players?

Ngayon na nasa MICP na siya, wala naman akong nababalitaan na nanghaharas, nang-aabuso o nanggigipit ng mga players si Belmonte.

At may isang dahilan kung bakit hindi puwedeng gawin ni Belmonte ang mga nabanggit ko dahil may mabango siyang apelyidong pinangangalagaan. Ka-patid siya ni House Speaker Sonny Belmonte. Pina-ngangalagaan ni Boysie hindi lang ang pangalan ng kanyang kapatid kundi pati ang naipundar niyang magandang pangalan sa maraming taon niyang panunungkulan sa BoC.

So, ano itong ipinalalabas ni Alvarez na hindi ma-runong mag-PR sa mga players si Boysie kaya inaalisan siya ng mga ito?

Isa sa mga impormasyong nasagap ng inyong SHOOTING RANGE ay kahit na sumusunod na sa benchmark sa pagbayad sa buwis sa mga kargamento ang mga players sa MICP, pinagbabayad ng additional taxes pa ang mga ito diumano ng Commissioner’s Office at ng Assessment. At hindi naman daw ito ginagawa sa ibang mga pier.

Kaya lumalabas na hinaharas ang mga players sa MICP na hindi naman kagagawan ni Belmonte at masasabing beyond his control.

At bakit nagkakaganoon? Simula kasi nang pumutok ang mga bali-balita nitong nakaraang buwan na baka magkakaroon ng malawakang reshuffle sa BoC at si Belmonte ay mabibigyan ng mas mataas na posisyon sa bureau, may mga na-insecure at ngayon ay gumagawa ng mga paraan upang palabasing mahina ang kanyang performance at maharang ang pagkaka-promote sa kanya.

Pagkatapos ng aking panayam kay Alvarez, mara-ming mga listeners ang nag-react at nagpadala ng kanilang mga text messages, halos lahat sa kanila ay mga empleyado ng iba’t ibang departamento ng bureau. Sinabi ng mga texters na halatang kamping-kampi raw si Alvarez sa mga taga-PoM at bistadong hindi ito natutuwa kay Belmonte. At bakit? Alam n’yo na siguro ang sagot.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.