Inmates na Nagpapakabait, Bawas-Sentensya

BABAWASAN NG sentensiya ang mga inmate na nagpapakabait sa bilangguan. Ito’y makaraang isabatas na ni Pa-ngulong Noynoy Aquino III ang Republic Act 10592 na mag-aamyenda sa ilang Artikulo sa Revised Penal Code.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nakasaad sa Article 29 ng Revised Penal Code na ang mga local jail ay maari ng magbawas ng sentensiya sa isang bilanggo dahil sa “good behavior”.

Sa unang dalawang taon na pagkakakulong, ang isang preso ay babawasan ng 20 araw sa bawat buwan kung magpapakita siya ng mabuting ugali habang nakakulong.

Sa ikatlo hanggang sa ika-limang taon, babawasan ng 23 araw ang bawat buwan na dapat siyang makulong kung magpapakita pa rin siya ng “good behavior”.

Samantalang sa mga susunod na taon hanggang sa ika-10 taon ang bilanggo ay bibigyan ng deduction na 25 days sa bawat buwan.

Samantala, nakasaad din sa pinirmahang batas na ang apela ng isang preso ay hindi magiging hadlang upang hindi siya mabigyan ng pagkakataon para magkaroon ng allo¬wance dahil sa good conduct.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.