Inmate, Nagbigti Dahil sa TB

ISANG PRESO ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa hindi makayanang sakit na tuberculosis, kamakalawa sa loob sa Pasay City Jail.

Base sa ulat, kinilala ang namatay na si Maximo Layoso, 53, residente ng Block 7 Lot 11, Santol St., Barrio Santo  Niño, Pasay City na nakulong  dahil sa kasong droga.

Dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kapwa inmates ang biktima na na-kabigti gamit ang isang tali ng sapatos na ipinulupot sa kanyang leeg at ang dulo ay isinabit sa isang pako na nasa ibabaw ng kanyang higaan.

Lumalabas sa pagsisiyasat na  nabatid na  noong Disyembre 2012 nakulong si Layoso matapos maa-resto sa pagbebenta umano ng iligal na droga.

Napag-alaman na nagkaroon ng sakit na tuberculosis si Layoso sa loob ng bilangguan kaya’t kinailangan siyang dalhin sa infirmary cell na nasa ikatlong palapag ng PCJ kung saan nababantayan ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Bukod sa marka sa leeg, wala ng iba pang sugat  na nakita sa iba pang parte ng katawan ang biktima.

Samantala, tumanggi naman ang mga kapatid ni Layoso na isailalim pa sa autopsiya ang bangkay ng biktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.