Inmate, nag-suicide sa loob ng piitan

CAGAYAN DE ORO City – Pinaniniwalaan ng pulisya na ang matinding depression ang siyang dahilan sa pagbigti ng isang inmate sa loob ng piitan sa bayan ng Libona, lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Fidel Gabilin, 61, residente ng Crossing Libona, sa nabanggit na bayan.

Si Gabilin ay hinuli ng pulisya matapos umanong bugbugin ang kanyang misis.

Dahil umano sa hindi pinatawad ng kanyang misis sa kanyang ginawa, nagbigti ito sa pamamagitan ng pagtali ng pisi sa kanyang leeg sa loob ng selda ng Libona Police Station.

Nakita na lamang ng mga kinauukulan ang biktima na nakabitin sa loob ng selda at wala nang buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.