Inlababu o Babu?

Single Parents

CONFIRMED NA MAY something sparkling ang Kapuso taartits na sina Papa Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Nagsimula ang isyung nagkakaunawaan na ang dalawa matapos ilabas ng Pinoy Parazzi litrato nilang magka-holding hands habang namamasyal sa Hong Kong noong Holy Week. At wala na ngang choice sina Jen at Papa Dennis kundi aminin na they are “exclusively dating”. Kapag may usok may apoy ika nga.


Career is better than Love

AKALA MARAHIL NG iba, mauuwi na sa isang sagradong seremonya ang pag-iibigan nina Papa Diether Ocampo at Rima Ostwani. Matapos i-deny noon ng Kapamilya actor ang matagal nang napapabalitang paghihiwalay nila ng kanyang non-showbiz girlfriend, sinabi rin nito na hindi na siya committed kahit kanino.

Ayon kay Papa Diet mas nakatutok siya ngayon sa kanyang showbiz commitments, at sa kanyang KIDS Foundation. Tanong naman ng mga mahaderang makakati ang dila, kung ipinagpalit daw ba ng actor ang magandang dyowa sa kanyang trabaho? Hindi ba nakayanang balansehin ang lovelife at ang showbiz career? Hmm… ano nga ba?

A New Love Story Blooms

NOT IN A vacant position ang puso ngayon ni Anne Curtis dahil nakita na nito ang kanyang newly found worship sa katauhan ng Filipino-French businessman and model na si Papa Erwan Heussaff, brother ng

napapabalitang special someone ni Papa Richard Gutierrez na si Solenn. Hulinghuli noon ng ating magic lente sina Anne at Papa Erwan na magka-date sa Bench Uncut Fashion Show. Napabalita ngang sila na ng guwapong non-showbiz guy na itey, pero nilinaw ni Mareng Anne na kasalukuyan lang daw silang “exclusively dating” ng mga panahong iyon. Sinabi lang naman siguro ‘yon ng magandang aktres, dahil

kasagsagan noon ng promo ng kanilang movie together ni Papa Chard na In Your Eyes. Pero ngayon, maitatanggi pa ba ng Dyosa ang kanyang Adonis? Ching!

President’s Heartache

TINUTUKAN NG MGA Pinoy ang lovelife ng ating mahal na Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III with his former girlfriend Valenzuela City Councilor Shalani Soledad. Marami ang umasa na magtutuluytuloy ang love affair na itey patungo sa pagiging First Lady ng bansa ni Mareng Shalani. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, natuldukan din ang matagal nilang pinag-ingatang relasyon dahil sa kung anik anik na isyu, tulad na lang ng third party. Si Trish Roque, dating child star na ngayon ay reporter sa TV5, ang naiulat na dahilan kung bakit bigla na lang ibinasura ni P-Noy si Shalani. Hot topic over several blogs at social networking sites ang nasabing isyu. Bongga deevah? Chos!

Pag-ibig sa Unang Pagkikita

VERY FAST ANG naging takbo ng relasyon nina Papa Robin Padilla at Mariel Rodriguez matapos magkakilala sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Wowowee. Sa dalawang linggong hosting stint ni Papa Robin sa nabanggit na show, may namuong romansa diumano sa kanila ni Mariel. Biro lang sa simula ang tuksuhan hanggang sa dumating sa point na nagkapalagayan na raw ng loob ang dalawang utaw. Tuloy, naging realistic na ang biro sa kanilang dalawa at nag-level up na sa desisyong pagpapakasal sa India. Talagang hindi na pinakawalan ni Mariel ang mahaba at malaking…. pagmamahal sa kanya ng tinaguriang ‘Bad Boy’ ng showbiz.

Like a One Week Affair

KUNG VERY COLORFUL ngayon ang lovelife ni Heart, mistulang wake naman ang pinagdaanan nina Papa Jericho Rosales at ng TV host na si Cesca Litton. Parang isang linggong pag-ibig lang ang nangyari sa dalawa dahil ang bilis ng mga pangyayari, nagligawan, nagmahalan, nagkasawaan at nagiwanan? Matutuwa si Imelda Papin niyan, hek-hek!

In fairness kay Papa Echo, tinuring niya na good infl uence ang ex-gf ever since they started dating this year. Ito rin daw ang nagturo sa kanya kung paano maging inspired sa buhay kaya nga naisulat ni Papa Echo ang ‘Pusong Ligaw’ na dedicated sa hitad. Kaloooka, ‘noh? Isa rin palang dahilan kung bakit nagkalabuan ang dalawa ay ang pagkakapasok ng mga namesung nina Andi Eigenmann at Andi Manzano sa eksena. Hmm….

From Lovers to Friendship

AFTER DINA BONNEVIE, matagal na panahon bago muling kumislap ang mga mata ng nag-iisang bossing na si Papa Vic Sotto para sa isang babae. Naging malapit at nagkadebelopan sina bossing Vic at Pia Guanio sa Eat Bulaga, hanggang sa lumalim nang lumalim ang kanilang relationship na muntikan na ring mauwi sa kasalan. Pero talagang walang permanente pagdating sa love and romance sa mundo ng showbizlandia, kaya ang akala ng iba na strong couple ay babagsak din sa hiwalayan.

Shut up pa rin ang dalawa tungkol sa mainit na pinag-uusapang unexpected break-up nila. Ang under construction daw na relasyon ng dalawa ay nauwi na lang sa pagkakaibigan. Tama, magfriendship na lang sila ngayon. Halata naman itey sa araw-araw nilang pagsasama sa Eat Bulaga. Maganda ‘yun at walang nag-alaampalaya sa kanila. PROFESSIONALISM ang tawag d’un di ba? Em I ryt? Ching!

Awat Na, Ayoko Na!

PINANGATAWANAN NA NI Kris Aquino ang pagiging kontrobersiyal dahil ang hiwalayan nila ng asawang si Papa James Yap ang pinakakontrobersiyal sa lahat. Laman itey saan man sulok ng medium, mapa telebisyon, radio, pahayagan, magazine at internet. Kulang na lang ay isapelikula na at ilimbag sa libro ang break-up nila ng basketbolista. Nagdesisyon ang Queen of all Media na wakasan na ang ‘kalbaryo’ sa piling ni Papa James, kung ito man ang naramdaman niya habang nakatali sa dating asawa.

Ang pinakamaintrigang break-up na itey this year ay talagang umabot pa sa pagsasampa ng petisyon ng TV host-actress sa korte, kung saan ikagugulat daw ng publiko ang nakasaad na “grounds” sa inihain nitong petisyon sa korte para mapawalang-bisa ang kasal nila ng sikat na basketball player. Meganon?!

Photos by Luz Candaba, Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires


Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.