Iniwanan ng mag-ina Driver, nagpakamatay

NAGPAKAMATAY SA PAMAMAGITAN ng pagbigti ang isang tricycle driver matapos umanong iwanan ito ng kanyang ka-live-in kasama ang kanilang anak kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang biktima na wala nang buhay nang matagpuan ay nakilalang si Ed Cruz, 31, ng Blk. 2 Lot. 23, Bgy. 35, Sawata St., Area 2, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silid sa naturang lugar na nakabitin gamit ang electrical wire.

Ayon sa kaanak ng biktima na si Ramon Cruz, napansin nitong ilang araw nang malungkot ang una matapos itong iwanan ng kanyang kinakasama at kanilang anak.

Hanggang sa nakita na lamang nito sa loob ng kanyang silid ang biktima na nakabigti at wala nang buhay.

Dito, agad siyang humingi ng tulong sa pulisya upang ipaalam ang nasabing insidente.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play sa naturang insidente.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.