Iniwan ng Syota, Lumagok ng Lason

DAHIL HINDI matanggap na hindi na niya makakasama ang mahal na nobya nang makipag-break sa kanya ito, nagpasiya ang isang binata na uminom ng lason sa Davao City.

Itinago sa pangalang Benjie, 17-anyos ang naglason na residente ng Barangay Marilog.

Sa ulat ng Davao City PNP, isinugod pa ng kanyang magulang sa pagamutan ang binatilyo makaraang uminom ng pesticide matapos mabatid na gusto na siyang hiwalayan ng nobya nito.

Dakong 6:45 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ang biktima na bumubula ang bibig dahil sa iniom nitong pestisidyo na ginagamit sa na pamatay ng mga kuhol sa Sitio Lower, Kibalang sa nasabing barangay.

Sa kabutihang palad ay naisalba ang buhay ng biktima at kasalukuyan nang nagpapagaling.

(E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.