Iniwan ng syota Binata, nagbigti

MINABUTI NG ISANG binata na wakasan ang sariling buhay nang hindi nito matanggap na makipagkalas sa kanya ang kasintahan noong nakalipas na Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Navotas City kahapon.

Walang buhay nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Ryan San Pedro, 32 at residente ng # 0111 F. Cruz St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Station Investigation Division ng Navotas-PNP, nabatid na dakong alas-4:30 nang magulantang na lamang si Albertyo Acosta, 32, kasama sa bahay ng biktima, nang tumambad ang nakabigting biktima sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto.

Dahil dito, agad na ipinaalam ni Acosta ang insidente sa kanilang barangay na tumawag naman sa himpilan ng pulisya upang i-report ang pangyayari.

Nang respondehan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay napag-alamang isang kumot ang ipinulupot sa leeg ng binata habang ang kabilang dulo ay nakatali sa kisame na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Napag-alaman mula sa ilang kalugar na naging malulungkutin umano at tulala buhat pa noong Valentine’s Day si San Pedro dahil sa hiniwalayan ng kasintahan sa mismong araw na dapat ay puno ng pagmamahalan na hinihinalang hindi nito nakayanan.

Kaugnay nito, dinala ng mga awtoridad ang bangkay sa Nate Funeral upang isailalim sa awtopsiya at matukoy kung may foul play na naganap sa pagkamatay nito.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.