Iniwan ng nobyo Dalaga, nagbigti

LABIS NA PAGDARAMDAM ang ugat ng pagpapakamatay ng isang 18-anyos na dalaga sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Martinez Memorial Hospital ang biktima na nakilaang si Rogie Lubos, 18, at residente ng Damayan St., Maypajo ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP, nabatid na dakong alas-7:30 ng gabi nang makitang na-kabigti ang biktima ng kanyang ina si Rogena sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa ginang, pinunta-han umano nito ang anak upang yayaing maghapunan, subalit laking gulat na lamang pagkabukas ng pinto ay tu-mambad ang nakabigting dalaga sa pamamagitan ng pagpulupot ng nylon cord sa leeg nito habang ang kabilang dulo ay nakatali sa kisame.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang ginang sa ilang mga kapitbahay at dali-daling isinugod si Rogie sa nabanggit na ospital upang maagapan, subalit sa kasamaang palad ay binawian din ito ng buhay kaya itinawag na lamang ang insidente sa pulisya.

Lumalabas namang base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad na bago ang pagbibigti ay ilang araw na naging malulungkutin ang biktima na hinihinalang dahil sa ginawang pakikipagkalas ng nobyo nito na ayon naman sa ginang ay hindi nito alam ang pagkakakilanlan, na siyang itinuturong dahilan upang kitilin ng dalaga ang sariling buhay.

Kaugnay nito, patuloy pa rin sa isinasagawang follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.