Iniwan ng Misis: Karpintero, Nagbigti Matapos Magbato

PATAY ANG isang karpintero matapos magbigti sa loob ng silid ng kanilang bahay sa Barangay 46 Zone 6, Tramo, Pasay City kamakailan.

Gumamit ng cable wire si Felix Pedroso, 59-anyos sa pagpapakamatay.
Ayon sa asawa ng biktima na si Lourdes, nagbigti aniya ang kanyang asawa dahil nilayasan niya ito.
“Nag-away po kasi kami, nu’ng Biyernes ng gabi. Nananakit na nga po siya kasi. Lasing po, tapos ‘yun nagbangag sila du’n.”
“Yung 800 niya binili niya lahat ng Shabu. ‘Yung bata po muna (ang sinaktan), lumayas na ako dahil hindi ko na hinintay na pati ako ay masaktan.”
Samantala, patuloy ang pagsisiyasat ng Pasay City Police sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.