Iniwan ng Ina Para Mag-igib; Paslit, Nalitson

KALUNUS-LUNOS ANG sinapit ng dalawang taong gulang na batang lalaki nang malitson nang buhay sa Sitio Power, Brgy. Tres De Mayo, Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si John Rey Torres na nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), iniwan ng ina na si Nora Torres ang dalawang anak na himbing na natutulog at pumunta sa bahay ng kanyang biyenan upang umigib ng tubig. Subalit malaki na ang apoy nang ito ay magbalik sa kanyang bahay.

Sinubukan pa ng ina na sagipin ang buhay ng dalawa nitong anak ngunit ang bunso na walong buwan lang ang nakayanan nitong mailigtas.

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na may kinalaman sa electrical wiring ang dahilan ng apoy.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.