Iniwan ng Asawang Nagpakasal sa Iba

 

Dear Atty. Acosta,

KAMI AY nagpakasal dito sa Pilipinas at taong 2000 ay umalis siya patungong Amerika. Maayos naman ang aming komunikasyon subalit nagulat na lamang ako nang makatanggap ako ng dissolution of marriage mula sa kanya. Wala naman akong ginawa upang masira ang aming pagsasama. Sa katunayan ay sinuportahan ko siya sa lahat ng kailangan niya upang makapangibang-bansa siya. Ang balita ko po ay mayroon na siyang ibang asawa roon. Ano po ba ang dapat kong gawin? Sana ay mabigyan ninyo ako ng kaukulang payo upang maayos ko na rin ang buhay ko rito sa Pilipinas. Maraming salamat po. 

Danny

 

Dear Danny,

AYON SA iyong liham, pinadalhan ka niya ng kopya ng kautusan na nagsasabing wala nang bisa ang inyong kasal. Ngunit hindi mo nabanggit kung ito ba ay ipinalabas ng hukuman dito sa Pilipinas o sa Amerika. Kung ang nagpalabas ng nasabing kautusan ay hukuman sa Pilipinas, kailangan na ito ay dumaan sa proseso ng petition for declaration of nullity of marriage o kaya naman ay petition for annulment of marriage, depende na lamang kung ano ang kanyang naging batayan sa paghahain nito. Mahalaga rin na nagkaroon ng pagdinig at nabigyan kayong dalawa ng pagkakataon na ihayag ang inyong mga alegasyon ukol sa pagpapawalang-bisa ng inyong kasal. Mababatid sa iyong sulat na tila wala kang naging partisipasyon sa nabanggit na kaso at hindi ka nabigyan ng pagkakataon na pabulaanan ang anumang alegasyon o ebidensya na kanyang isinumite sa hukuman. Kung gayon nga ang nangyari, maaari mong kuwestiyunin ang naging desisyon ng hukuman at ipawalang-bisa ito. Subalit, kung ang kanyang petisyon ay dumaan sa legal na proseso, kailangan mong respetuhin ang nasabing desisyon at tanggapin na tapos na ang inyong pagsasama.

Sa kabilang banda, kung ang nabanggit na kautusan ay ipinalabas ng hukuman sa Amerika at siya ay isang American citizen na nang ihain niya iyon, maaaring ipagkaloob ang pagpapawalang-bisa ng inyong kasal at maaari siyang magpakasal muli kung ito ay pinapahintulot ng hukuman. Ngunit kung siya ay Pilipino pa rin, hindi siya maaaring maghain sa ibang bansa ng pakikipaghiwalay o diborsyo. Ito ay hindi kikilalanin sa ating bansa lalo na at ang inyong kasal ay naganap dito sa Pilipinas. Tanging dito lamang siya sa Pilipinas maaaring maghain ng pagpapawalang-bisa ng inyong kasal. Maliban dito ay hindi siya maaaring magpakasal muli kung hindi pa pinal na ipinagkakaloob ng hukuman ang pagpapawalang-bisa ng inyong pagsasama.

 

Malugod po namin kayong  inaanyayahan na manood ng “Public Atorni” sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 4:45 ng hapon.

 

 

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

2 thoughts on “Iniwan ng Asawang Nagpakasal sa Iba

  1. ito po yung isa sa maraming nangangailanagan ng payo

    >>……..Jenah Helwa…… gud eve po Abalayan nabasa q po un usapang legal ky atty. Acosta gus2 q sana ishare un prblm q s pgppa .annul ng kasal q ..since aq nmn po ng.iisang ngttaguyod s mga anak q at kht kyln ay wlang stable income source ang ama ng ank q.ano po b ang ground n pwd q po gawin upang mpbilis ang annulment ng kasal nmin.,since nkipgsettle n din po aq ng separation aspect s knya.>>>

    Abalayan ilalapit po natin sa kanya Jenah Helwa<>

    Jenah Helwa mrming slmt po Abalayan,, sna po matulungan po aq ni Atty.Acosta s ano po ang dpt kun gawin,mrming slamt

Leave a Reply

Your email address will not be published.